25/10/2024
🔥 We Are Excited to Announce Our New RAN Online Server - Episode 3! 🔥
Babalik na ang Original Gameplay ng RAN Online na unang sumikat sa Pilipinas noong 2006, ngayon hatid sa inyo ng Prime Developments ! Muling mararanasan ang tunay na nostalgia at excitement ng classic MMORPG na ito—ang laro na nagpaubos ng baon, nagpuyat sa atin, at naging tambayan ng barkada sa mga computer shop!
Ngayong Nobyembre, abangan ang original na Episode 3 Server kung saan mararanasan n’yo muli ang classic gameplay, mula sa old-school leveling hanggang sa intense PK battles. Ito na ang pagkakataon para bumalik sa paborito n’yong campus at magpakitang gilas!
Dahil Prime Developments ang magpapatakbo, siguradong magiging patas, mapagkakatiwalaan, at maaasahan ang paglalaro—balik na ang original na gameplay experience ng RAN Online!
Like at share para malaman din ng iba!
Sumali na rin sa aming official FB group para sa mga exclusive updates: RAN Online Official [EP3 Group]
—————————————-
#แรนออนไลน์