03/10/2025
SENTENCED TO 'DEATH WITH REPRIEVE'
Hinatulan ng “death with reprieve” si Tang Renjian, ang dating minister of agriculture and rural affairs ng China, dahil sa panunuhol, ayon sa ulat ng Chinese state-owned news agency na Xinhua.
Napatunayang tumanggap si Tang ng mga suhol, gaya ng pera at mga ari-arian, na nagkakahalaga ng P2.12 bilyon mula 2007 hanggang 2024.
Ang death with reprieve ay parusang kamatayan na hindi agad ipinapatupad. Karaniwang dalawang taon ang reprieve o suspension ng hatol.
Posibleng mapababa sa habambuhay na pagkakakulong ang sentensiya kung hindi lalabag sa batas ang nahatulang opisyal o nagpakita ng magandang ugali sa loob ng reprieve period. | via Reuters
Full reports sa comments section.