19/11/2025
☕ SERIOUS Reasons Why Baristas Leave
(Yung last Part ang Masakit)
1. Low salary compared to workload
Maraming barista ang umaalis dahil hindi tumutugma ang compensation sa bigat ng trabaho. Physical, mental, at emotional labor ang ginagawa nila araw-araw, pero hindi ito sapat na nababalanse ng sahod.
2. High stress environment
Ang peak hours, mahabang pila, at mataas na demand ay normal sa café operations—pero kung walang sapat na support, training, o manpower, ang stress na ito ay nagiging sobra at nakakaubos.
3. Physical fatigue
Buong shift na nakatayo, nagbubuhat ng supplies, at gumagalaw nang walang tigil. Over time, ito ay nagdudulot ng chronic fatigue at physical strain na nagpapabilis ng turnover.
4. Unstable schedules
Paiba-iba ng shift at unpredictable na schedule ang isa sa pinakamalaking dahilan ng pag-alis. Nahihirapan silang magkaroon ng healthy routine, social life, at sapat na pahinga.
5. Limited career growth
Kung walang malinaw na career path, training programs, o opportunities for promotion, nawawalan ng long-term reason ang barista para mag-stay kahit mahusay sila sa trabaho.
6. Burnout
Kapag araw-araw nilang hinaharap ang pressure, demanding customers, at operational challenges nang walang sapat na emotional or managerial support, nauubos sila. Burnout leads directly to resignation.
7. Better opportunities elsewhere
Napakadaling humanap ng ibang café na may mas mataas na sahod, mas maayos na schedule, o mas magandang work environment. Natural na pipiliin ng barista ang lugar na may mas magandang quality of life.
8. Management issues
Ang leadership at workplace culture ay may napakalaking epekto. Poor communication, lack of appreciation, disorganized systems, o toxic management—kahit isa lang dito ay sapat na para magpabilis ng turnover.
9. BINUSTED AT PINAASA LANG NG KATRABAHO NIYA.
Aray kooo.!!!