29/06/2026
‘HINDI KULTO ANG DDS’
Nagpahayag si dating Misamis Occidental Governor Philip Tan bilang tugon sa naging pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na inihalintulad sa isang “kulto” ang ilang supporters ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Mariing itinanggi ni Tan ang naturang paglalarawan at iginiit na ang mga DDS ay mga ordinaryong mamamayan lamang na may tiwala kay Vice President Sara Duterte.
“DDS is not a cult. They are just normal people who want normal life and they just trust Sara for it,” ani Tan.
Ang pahayag ay bahagi ng nagpapatuloy na palitan ng opinyon sa social media kaugnay ng kasalukuyang mga isyung pampulitika, kabilang ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.