
06/11/2024
1982, tandang-tanda pa ni Kasing Lung kung gaano kasaya ang kabataan n'ya kasama ang nakababatang kapatid na si Labu, madalas silang naglalaro sa garden at naghahabulan, Buh ang palayaw nito at hindi n'ya kailan man malilimutan ang isang tagpo na binigyan s'ya nito ng isang lalakeng manika, sabi ni Buh "这是你的,也是我的,兄弟" (Ito sa akin, ito naman ang sa'yo.)
Madalas silang magkasama na nag do-drawing sa mga papel, isang araw nagalit ang nanay nila dahil pati dingding ay pinintahan ng isang pinturang nabuksan nilang dalawa, Agad ng sumigaw ang ina "是谁做的这个?" (Sino ang may gawa nito), sabay turo ni Buh sa kuya, 'yung itsura nito ang 'di n'ya malilimutan na nakangisi at tila naghuhugas-kamay na wala s'yang sala, sabay nagtawanan, natawa na rin ang ina.
Isang araw, bigla na lamang sinugod sa ospital si Buh, intay ng intay si Kasing sa kanilang bahay pero hindi na bumalik pa ang kapatid, hanggang sa nakita n'ya ang manikang lalake at babae, nilaro n'ya ang mga ito ng mag-isa, hanggang dumating ang mga magulang nito at sinabi ng mga itong wala na si Buh, umiyak ito sa kwarto at hindi naniniwala. Hanggang sa nilibing na ito na kinalungkot n'ya ng husto.
Isang araw dumalaw ang pinsan nito sa bahay, pero hindi n'ya na ito naging kasundo, matapos na itinapon nito ang babaeng manika ng kanyang yumaong kapatid, hanggang namasyal sila hawak ang mga manika, ang dalawang pamilya ay naaksidente, namatay ang mga magulang ni Kasing dahilan para doon na manirahan si Kasing sa kanyang mga pinsan.
Dito n'ya ginugol ang sarili na magpinta at ipakita ang kalungkutan sa kanyang mga obra, matagal ding panahon na nag-iisa ang lalakeng manika na bigay ng kapatid n'ya noon, habang ang babaeng manika ay kasama nasunog sa sumabog na sasakyan, sabi n'ya gagawa s'ya ng mga manika na magiging simbolo ng pagbabalik ng kanyang buong pamilya.
Hanggang isang araw, nakita n'ya muli ang kapatid sa hardin, at sinabi ng kaluluwa na 'wag na s'yang mag-alala dahil magkakasama na sila ng magulang nila, doon na nagsimulang maglikha ito ng mga karakter na ang tema ay masasaya lamang.
At isa na nalikha n'ya ay ang karakter ng si Labubuh, simbolo ng kanyang kapatid, gumawa na rin nito ang story series ng 'The Monsters' kung saan inilalarawan nito ang ups and down nilang magpinsan, mga bagay na hirap s'ya mag-adjust sa puder ng kamag-anak, pakikisama, pakikisalamuha na minsan may mas concern pa ang ibang tao kesa sa mga kadugo mo, gaya ng series, panay man kalokohan at kasiyahan may lungkot pa ring tagpo ng pag-iisa lalo't wala na ang tunay n'yang pamilya.
Tumawag ang Pop Mart sa kanya, isang sikat ng gumagawa ng mga manika at toys, nakipag-colab ito sa kanya na gagawin daw nilang manika ang lahat ng karakter ng serye n'ya, gaya nila; Zimomo, Tycoco, Spooky, at Pato. Pero ang mas sumikat ay si Labubuh, lalo na ng ginawa pa itong keychain ng isang korean group.
And, the rest was history, napakarami na sa buong mundo ang nag-ko-collect nito. Masaya si Kasing Lung sa naging tagumpay ng kanyang mga manika, dahil kasiyahan ang dala nito sa mga nangongolekta, pero minsan naluluha pa rin ito, dahil nakukumpleto nga ng mga bumibili ang mga karakter pero ang buhay n'ya kasama ang buo n'yang pamilya at hindi na kailan man makukumpleto pa.
Nitong huli, nalaman ni Kasing na s'ya ay ampon ng mga Lung, kaya kung may kulang sa pagmamahal noon ng kanyang magulang na umampon sa kanya ay naintindihan na n'ya ngayon.
Ayon kay Kasing, hindi naman kailangang bumili ng marami nito, dahil isa lamang ay sapat na, simbolo ang manika ng kanyang walang hanggang pagmamahal sa kapatid, na nagparamadam sa kanya ng unang pagmamahal, sumisimbolo na kahit gaano man karami ang iyong kayamanan o pera, iisa lamang ang pamilya na hindi matatapatan ng anumang presyo sa mundo.
Ctto 🌹