13/10/2025
Mas makakatulog ka talaga ng maayos
kapag bayad ka na sa mga utang. 😌
Iba ‘yung gaan ng loob, ‘yung peace of mind na matagal mong hinintay.
‘Yung dati halos di ka makatulog sa dami ng iniisip,
ngayon, tahimik na ang gabi mo. 🙏
Mas kaya mo nang ngumiti, mas nakaka-focus ka na sa pangarap mo.
Hindi na puro “paano na?” — kundi “salamat, Lord.” 💚
Alam mo ‘yung minsan, mapapatingin ka na lang sa malayo…
naalala mo lahat ng hirap, lahat ng utang, lahat ng iyak.
Pero ngayon, ibang luha na — luha ng pasasalamat. 😭🙏
Kaya ‘wag kang susuko.
Habang may buhay, may pag-asa. 🌅💚