30/09/2025
Akala ko pa naman maayos itong batang Ito…Dapat talagang bantayan at magabayan.
Mga Ka-Faith, kumakalat ngayon ang panukalang Absolute Divorce Act of 2025 na inihain ni Rep. Francisco A. Barzaga. Ang bill na ito ay naglalayong gawing legal ang divorce sa Pilipinas sa ngalan daw ng “protection,” “freedom,” at “stability” ng pamilya. Pero malinaw na ito ay isang direktang pag-atake sa turo ng Diyos at ng Simbahan.
Una, sinasabi ng bill na proteksyon daw ito para sa mga abused spouses. Totoo, ang abuse ay kasalanan at kailangang tugunan — pero may existing remedies na tulad ng legal separation at annulment. Divorce doesn’t protect the family, it destroys it. Sabi ng Catechism of the Catholic Church (CCC 2385), “Divorce is a plague on society… it introduces disorder into the family and into society.” Kaya maling gamitin ang isyu ng abuse para bigyang-katwiran ang pagsira sa kasal.
Pangalawa, sinasabi nilang kapag “irreconcilable” na, dapat may absolute divorce. Pero malinaw ang salita ng Diyos: “What God has joined together, let no man put asunder” (Mark 10:9). Ang kasal ay hindi simpleng kontrata lang na puwedeng wakasan — ito ay tipan sa Diyos. Kahit si Rep. Barzaga ay walang kapangyarihan para baliin ang utos ng Diyos.
Pangatlo, ginagamit nilang dahilan ang “freedom and stability” ng pamilya. Pero alam natin sa maraming bansa na nag-legalize ng divorce, mas dumami ang broken families, fatherless homes, at mga batang lumaki na sugatan ang puso. Kaya ang katotohanan: divorce doesn’t bring stability, it spreads brokenness.
At dito natin nakikita ang malaking problema: si Rep. Francisco Barzaga, sa halip na ipaglaban ang tunay na welfare ng pamilya, ay siya pang nangunguna sa pagsira dito. Politiko man siya, pero wala siyang moral authority para itulak ang isang batas na tahasang salungat sa Ebanghelyo at sa turo ng Simbahan. Mga Ka-Faith, never support politicians na tulad niya na gumagawa ng batas laban sa Diyos at laban sa pamilya.
Mga kapatid, malinaw na dapat tayong tumindig. Ang Pilipinas ay isa sa natitirang bansa na pinapahalagahan ang sanctity ng marriage sa batas. Huwag nating hayaan na masira ito. Manalangin tayo, magpakatapang, at ipaglaban ang kabanalan ng pamilya. 💒
“Therefore what God has joined together, let no one separate.” (Mark 10:9)