21/08/2025
Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika! Puno ng husay, kulay, galing at himig ng ating kultura, sabay-sabay nating ipagbunyi ang wika na siyang ubod ng ating pagkakakilanlan!
Ating ipinagmamalaki hindi lamang ang kagandahan ng ating wika at kultura kundi pati na rin ang talino, husay, kariktan, at dangal ng mga kalahok sa Lakan at Lakambini 2025!
People’s Choice Award Mechanics:
1. Ipakita ang buong pusong suporta sa pamamagitan ng pag-react ng pulang puso (❤️) sa mismong litrato ng iyong kandidato. Tanging mga (❤️) lamang ang mabibilang at bawat (❤️) ay katumbas ng isang boto.
2. Dalawang puntos naman sa pagsi-share o pagbabahagi ng larawan.
3. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng booster. Ang sinumang mahuhuling nagbayad para sa reaksyon ay mawawalan ng bisa ang lahat ng boto at awtomatikong madidiskuwalipika sa People’s Choice Award.
4. Kinakailangang naka-like or follow ang mga magrereact sa FB PAGE ng Pinoy Achievers Tutorial & Learning Services FZE upang maisama sa bilang ang kanilang boto.
5. Ang botohan ay magsisimula ngayong araw, Agosto 21 at magtatapos sa araw ng Huwebes, Agosto 28, 2025 sa ganap na ika- 5 ng hapon.
Halina’t makibahagi at damhin ang saya ng makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika!