COACH ROMAN

COACH ROMAN Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from COACH ROMAN, Digital creator, Al Nahda 2, Dubai.

Middle East Life Coach in the UAE

Helping individuals, communities, organizations, & businesses grow & succeed

Trade License 40894

Ad Permit 9403269

Whatsapp for inquiries Coach Roman

VISA UPON ARRIVAL NA ANG PINOY SA UAE!Effective June 25, 2026, visa upon arrival na ang pinoy sa United Arab Emirates.Na...
25/06/2026

VISA UPON ARRIVAL NA ANG PINOY SA UAE!

Effective June 25, 2026, visa upon arrival na ang pinoy sa United Arab Emirates.

Napakalaking bagay nito para sa ating mga Filipino.

Yung hindi ka na kailangan mag apply at mag antay ng matagal para mag ka visa sa gusto mong puntahang bansa.

Plane ticket na lang at titirhan ang iintindihin.

Yun nga lang, hindi ito para sa lahat ng pinoy.

To qualify, you must have any of the following

A valid active visa (tulad ng tourist visa), residence permit, or green card mula sa mga sumusunod na bansa,

United States of America

Canada

European Union Member States

Japan

South Korea

Singapore

Australia

New Zealand

Tiyakin din na valid ang Philippine Passport for at least six months from the date of entry, and be prepared to present their qualifying foreign visa or residency document alongside their passport upon arrival.

The Filipino travelers who meet the requirements can get a 14-day visa and pay AED 100.

This may be extended once for an additional 14 days for AED 250.

They can also get a 60-day visa and pay AED 250 which is not extendable.

Anytime naman puwede pumunta sa UAE.

Pero pag tinatanong ako, magandang mga buwan yung November to March, specially December to February.

Maganda klima nyan, malamig lamig.

Pag April to October kasi, mainit, specially June to August.

Maraming magandang pasyalan at gagawin dito.

At sa dami ng Pinoy, impossible na ma zero ka sa kakilala.

Dubai specially to me, is the most “Filipino” city outside of the Philippines.

Napaka modern, napaka safe, napaka ganda, ramdam mo na nasa ibang bansa ka, pero, napakaraming Pinoy.

Madami ding ibang lahi.

Melting pot sya ng ibat ibang kultura.

Middle Eastern, Arabic, Indian, Pakistani, Nepali, African, Asian, European, and other Westerners.

Tara na!

Salamat sa UAE government for this new blessing for the Filipino people.


















LET’S ALL PRAY FOR MINDANAOPrayers for Earthquake VictimsJune 8, 2026
08/06/2026

LET’S ALL PRAY FOR MINDANAO

Prayers for Earthquake Victims

June 8, 2026


















KUNG OFW KA NGAYUN, SAAN MO GUSTO TUMANDA?Sa bansa kung san ka andun ngayun? Tulad ng mga bansa sa Middle East? Mga bans...
27/05/2026

KUNG OFW KA NGAYUN, SAAN MO GUSTO TUMANDA?

Sa bansa kung san ka andun ngayun? Tulad ng mga bansa sa Middle East? Mga bansa sa Asya?

Or countries like New Zealand? Australia? Canada?

Or sa Pilipinas parin ba?

Whether we like it or not, tatanda at tatanda tayo.

At kahit marami kang responsibilities now, marami kang gastusin now, marami kang iniisip now,

Etong topic na to, we will have to face, we will have to address, at some point in time.

For example,

Yung bansa kung san ka andun now,

Pwede ka ba maging citizen jan? Or OFW lang?

Yung trabaho mo now, mukha ka bang tatagal jan ng maraming taon?

Pag just in case natanggal ka sa trabaho, wag naman sana, kahit ba may edad ka na, makaka hanap ka lagi ng kapalit na job?

Pag nawalan ka ng trabaho, pwede ka ba magtagal jan para maghanap ng next job?

Pag nawalan ka ba ng trabaho may health insurance ka parin?

Yung mga friends mo ba magtatagal din jan?

May mga relatives karin ba jan?

Bukod dun, masaya ka ba sa bansa na yan?

Nakikita mo ba sarili mo na jan kana tatanda?

Ilan lamang yan sa mga dapat natin itanong sa sarili natin every now and then.

Dahil kung ang sagot natin ay hindi, edi dapat, nagpa plano man lang tayo, para sa future.

Nagpa plano tayo kung, mag ma migrate ba sa New Zealand, Australia, Canada, US, Uk, Europe, or kung san pang mga bansa na pwede kang maging Citizen.

Kung hindi yan ang gusto mo, at sa Pinas parin ang plan, ang tanong, nag re ready ka narin ba?

May house and lot ka na ba or condo man lang?

May business ka na ba?

May savings ka na ba?

May mga insurance ka na ba?

May mga investments ka na ba?

Kasi, this is something, that many OFWs through the years, have failed to address.

Maraming nag for good, eventually nahirapan sa buhay.

Kasi, hindi sila nag decide agad san nila gusto tumanda.

Hindi sila nag plan.

Hindi sila nag prepare.

Matuto na tayo sa pagkakamali nila.

PATNUBAY NI KUYA
Para sa mga OFW


















DAPAT KA BANG MANGUTANG PARA MAY MAIPADALA SA MGA KAMAG ANAK MO SA PILIPINAS?Mas maganda sana hindi.Mas maganda yung hin...
25/05/2026

DAPAT KA BANG MANGUTANG PARA MAY MAIPADALA SA MGA KAMAG ANAK MO SA PILIPINAS?

Mas maganda sana hindi.

Mas maganda yung hindi ka utang ng utang.

Mas maganda yung hindi ka nangungutang para pag bigyan yung mga requests sayo ng mga kamag anak mo sa Pilipinas.

Not unless, may unexpected emergency, na dahil sa sobrang tindi, kahit pa may savings ka, hindi sapat, you have no choice but to borrow money.

Pero, dapat, napaka rare nyan.

Bihira dapat mangyari yan,

Dahil, pag sinanay mo, ang mga kamag anak mo sa pinas, na lagi mong pinagbibigyan ang requests nila, kahit hindi mo na kaya, hindi na pasok sa kinikita mo, eventually, masasanay ka naman, na umutang ng umutang.

Magiging diskarte mo na sya.

Hanggang sa nagsasanla ka na, ng passport at atm card.

Sirang sira ka na sa mga friends, workmates, flatmates, even church mates mo, kasi hindi kana nakaka bayad.

Baon na baon kana sa utang.

Wala ka ng ibang ginagawa sa buhay mo as an OFW, Kung hindi mangutang ng mangutang.

It doesn’t have to be that way.

Huwag mo sila laging pag bigyan.

Huwag mo sila sanayin.

Turuan mo sila at paintindi mo sa kanila ang tunay mong situation.

Dahil may mga nasa ibang bansa, mga OFW, na bukod sa maliit ang sahod, minsan, delayed pa ang sahod. Or Kung may worldwide crisis, binabawasan pa ng sahod. Sometimes as much as 50 percent.

Ganon talaga buhay.

Kung ikaw nagtitiis.

Dapat sila rin.

Kung ayaw nilang magtiis, magtrabaho, mag abroad, o mag negosyo din sila.

Tigilan na natin, yung isang OFW sa pamilya, tapos, lahat sa kanya aasa.

Maling mali.

Kailangan yung OFW, pag dumating ang sahod, mabayaran nya monthly expenses nya, makapag tabi para sa savings, mag invest para sa future, gumastos ng konti para sa sarili, and then magpadala sa immediate family.

Pag kasyahin kung ano meron.

Pero pag hindi na kaya, wag I utang para lang mapag bigyan ang request ng kamag anak.

Hindi masama yung tumutulong.

Hindi rin tama yung maging madamot.

Halimbawa sa magulang mo.

Minsan wala na talaga silang kakayanan magtrabaho.

Ibang usapan naman sila.

Dapat talaga pagtulungan niyong magkakapatid, kung marami din kayo, na matulungan ang inyong parents.

Pero yung ibang kamag anak mo, pati na kaibigan, tumulong ka kung kaya mo, pero wag mong I uutang ang pan tulong sa kanila.

Kahit pa mag promise sila.

Dahil usually, yung mga nag pa promise na kamaganak, pag umutang, hindi yan nag babayad.

Pag siningil mo pahirapan.

Kung ano ano pa nasasabi.

Kadalasan, nagiging masama kapa, kasi nga, naniningil ka.

Habang Ikaw baon na baon na sa utang.

Hindi mo kailangan mabuhay ng ganyan.

Naka pag abroad kana.

Naging OFW kana.

Pwedeng umayos at guminhawa ang buhay mo.

Kung gusto mo na marami kang natutulungan at hindi mo kailangan mangutang?

Kung gusto mo na marami kang nagagawa sa buhay at hindi mo kailangan mangutang?

Then find a higher paying job.

Move to another country with a better lifestyle.

Or get into business, even abroad.

Gawin mong motivation yung ma provide yung needs ng mga loved ones, pero hindi ka nababaon sa utang.

Possible yun.

Nangyari sa iba.

Pwede rin mangyari sa iyo.

PATNUBAY NI KUYA
Para sa mga OFW










LAGI MO NALANG BA PADADALAHAN NG PERA ANG MGA KAMAG ANAK MONG HUMIHINGI SAYO SA PILIPINAS?And the answer to this, should...
21/05/2026

LAGI MO NALANG BA PADADALAHAN NG PERA ANG MGA KAMAG ANAK MONG HUMIHINGI SAYO SA PILIPINAS?

And the answer to this, should be, NO.

Wag lagi. Wag forever.

Hindi pwede habang buhay.

Huwag natin sila sanayin.

Ikaw din ang mahihirapan.

Yun nga lang, madali sabihin, mahirap gawin.

Hindi siya ganon kadali at ka simple for many OFWs.

Marami sa atin, hirap na hirap magsabi ng No.

Sa Magulang.

Sa Kapatid.

Sa Pinsan.

Sa Tito.

Sa Lola.

At pati na sa Kaibigan at Barkada.

Marami, nababaon sa utang, dahil ipinipilit i provide, yung lahat ng needs ng lahat ng Humihingi sa kanya.

Ang tanong, magkano ba sweldo mo buwan buwan?

Magkano ba expenses mo sa bansang tinitirahan mo?

Magkano ba natitira pagkatapos mo mabayaran ang monthly expenses mo?

Dahil kung ano lang natira, doon kalang pwede kumuha ng mga sumusunod,

Tulad ng,

Monthly financial support sa “immediate family” mo, tulad ng asawa at mga anak

What else?

Monthly savings mo.

And last, Kung may natira pa, ibang concerns.

Kaya, kung hindi kaya ng income mo, dahil wala na ngang natitira sayo, wag silang bigyan.

Yan ngayun ang malinaw na basehan, for you to say no, sa mga kamag anak na request ng request sayo.

Huwag mong i utang.

Kung wala kang maibibigay, wag mong ipilit.

Pwedeng mag tampo.

Pwede silang magalit.

Kaso, pano kanaman?

Hindi karin Habang buhay may trabaho, at nasa ibang bansa.

Kailangan mo paghandaan ang future mo, retirement, at pag for good.

Eh kung sobrang yaman mo lang sana, eh bakit hindi, Kung pwede at kaya.

Sadly, at huwag naman sana, pero kadalasan, yang mga tinulungan mo, pag Ikaw na nangailangan, madalas, wala kang maasahan sa mga yan.

Hindi ko naman sinasabi na maging madamot ka.

Pero maging wise ka sa pagtulong.

Huwag mo sila sanayin.

Turuan mo sila, papanong sila rin aayus buhay, at hindi laging aasa sayo

PATNUBAY NI KUYA
Para sa OFW






























Address

Al Nahda 2
Dubai
00000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when COACH ROMAN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to COACH ROMAN:

Shortcuts

Share