04/06/2025
Hello mga ka-Peeps!
It’s your 2nd host, Kein.
Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat — sa mga nakisama, nakitawa, at naki-kinig sa ating mga kwentuhang walang kabuluhan… o kung minsan, mga kalokohan na may kabuluhan din naman.
Salamat po sa lahat ng tumutok sa aming mga episodes. Grabe, from Episode 1 hanggang Episode 7, nandyan pa rin kayo. Sobrang na-appreciate namin ang bawat like, react, at share sa mga podcasts namin.
For now, dahil sa pagka-busy ng life at iba pang responsibilities na kailangang unahin, magpapahinga muna ako — a long hiatus from the podcast. Pero hindi ito goodbye, pahinga lang muna. Hanggang sa muli nating tawanan, kulitan, at kwentuhan na parang walang katapusan.
Once again, this is your 2nd host, Kein…
Signing off.
Until then…