04/11/2025
Hi Kuya Unsent
Alam mo ba, kami ni Adrian, kami 'yung tipo ng couple na akala ng lahat, walang katapusan. Limang taon kaming magkasama, parang pinaligo sa sweetness, tipong pag nakikita kami, sasabihin mo, “Sana all.” Ang dami na naming plano: 'yung bahay, 'yung a*o, 'yung travels abroad.
Sabi ko na eh, pag masyadong perpekto, may kalokohan 'yan. Nagsimula siya sa maliliit na bagay. Hindi lang 'yung late umuuwi, kundi 'yung parang laging abala ang isip niya. Laging may urgent meetings kuno.
Nalaman ko, ang urgent meeting pala niya ay si Sofia, co worker niya sa kabilang department. Sabi niya sa akin, matapos siyang umamin, "Sobrang na stress lang ako, Mika. Parang nawawala ako. Si Sofia, siya 'yung nakikinig sa akin. Hindi ko mahal, pero... comfort lang ang hinanap ko."
Ang sakit diba? Dahil sa sobrang busy namin sa pagbuo ng future namin, hindi na raw kami nag usap nang totoo. Parang may kulang sa akin na hindi ko alam kung ano.
Pero ako? Matagal bago ako nagduda. Pero dumating 'yung gabi na hindi ko na kinaya 'yung kaba sa dibdib ko. Bandang alas dos ng madaling araw, tahimik siyang natutulog sa tabi ko. Kinuha ko ‘yung cellphone niya. Nanginginig 'yung kamay ko. Naisip ko, 'Sana wala. Sana mali ako.'
Pagbukas ko pa lang ng chat thread nila, parang sinaksak ako nang paulit-ulit. Hindi lang simpleng flirt, kundi ‘yung mga plans nilang magkasama sa future—'yung mga pangarap na sa akin dapat niya sinasabi. Nakita ko 'yung message niya kay Sofia: "Salamat sa pagiging totoo, ikaw ang comfort ko." Sa isang iglap, parang binagsakan ako ng buong mundo.
Hindi ko na hinintay na magising si Adrian. Kinabukasan, dumeretso ako sa opisina nila. Nalaman ko ang cubicle ni Sofia. Hindi ako nag eskandalo. Nilapitan ko lang siya nang tahimik habang nagta type siya.
Sabi ko, "Hello Sofia. Mika ako. Ako 'yung girlfriend ni Adrian. Nakita ko na lahat."
Tumaas ang tingin niya. Hindi siya nagulat. Bumaba ang tingin niya sa akin, parang wala lang. Hindi siya nag sorry, hindi siya umiyak. Ang sabi niya lang, "Alam kong darating ito. Hindi ako nagtatago. Pero Mika, hindi ako ang problema mo. Ang problema mo, 'yung pagod ni Adrian sa inyo. Ako 'yung naging temporary solution lang."
Grabe. Parang sinampal ako. Mas masakit pa sa sampal niya 'yung kalmado niyang pag-amin. Wala akong nagawa kundi umalis. Ang gusto ko lang malaman, totoo ba ang pinagsasabi niya?
Pag-uwi ko, doon na ako sumabog. Hinampas ko sa mukha niya 'yung cellphone. Nagising siya, at kitang kita ko sa mata niya 'yung takot, hindi lang guilt. Grabe 'yung iyak ko. Umamin si Adrian. Sabi niya, “Mistake lang, Mika. Ikaw pa rin, please, bigyan mo pa ako ng chance.” Pero mahal ko pa rin siya, kaya hindi ako agad bumitaw.
Sabi ko, sige, subukan natin. Pero alam mo ‘yung feeling na kahit nagta try kayo, may la*on na sa loob ng relasyon niyo?
Naging detektib ako. Pero si Adrian, para patunayan na tapos na talaga, siya pa ang nag insist sa 'three way closure'. Sinabi niya, “Mika, makikipagkita ako kay Sofia. Sa isang public place, tapos sasabihin ko sa kanya, ‘Ito ang pinili ko. Maghiwalay na tayo.’ Gusto kong nandoon ka. Para makita mo na seryoso ako.”
Ang sakit ng eksenang 'yun, sa isang coffee shop. Nasa kabilang table ako, nagkunwari akong nagbabasa. Nakita ko silang magkatabi, nag uusap nang mahina. Tapos, hinawakan niya ang kamay ni Sofia, huling hawak. Nakita ko ang pagtawa ni Sofia, parang tinanggap niya na lang. Pagkatapos, tumayo si Sofia, tumingin sa akin, at nag nod lang siya bago umalis. Parang sinasabi niya, 'Sa iyo na siya. Sawa na ako.'
Humiliation 'yun, diba? Ginawa kong witness ang sarili ko sa pagtatapos ng kabit niya. Pero 'yun daw ang kailangan para mag-heal ang tiwala ko. Pero ang nangyari? Mas lalo akong nasira.
Pagod na pagod kaming dalawa. Isang taon kaming nagtagal sa ganoong estado. Pero habang tumatagal, mas lalong nalilinawan ako na ang sinira niya, hindi lang 'yung relasyon, kundi 'yung tiwala ko sa future namin.
Isang hapon, nakaupo kami sa parke. Walang imikan. Walang galit, walang sigawan. Tahimik lang.
Tumingin ako sa kanya, at sa unang pagkakataon matapos ang lahat, wala akong naramdamang galit. Lungkot, oo. Pero hindi galit.
Sabi ko, "Adrian, gusto kong maging masaya ka. Pero hindi na ako 'yung daan para maging masaya ka. Hindi na ako 'yung magpapatawa sa iyo, at hindi mo na ako 'yung magpapakalma. Gusto ko, maging masaya ako, at hindi na ito ang lugar ko."
Umiyak kaming pareho, pero hindi dahil sa away, kundi dahil sa pagtanggap. Tinanggap niya na kahit mahal niya ako, sinira niya ‘yung pundasyon, at hindi na talaga maibabalik. Ang pag ibig ay hindi sapat para buuin ang tiwalang nawasak.
Hindi na kami naghabulan. Naghiwalay kami nang maayos. Mas masakit ‘yung pag bitaw na may pagmamahalan pa, pero alam mong tama na. Nag yakapan kami, at nagpasalamat sa nakaraan.
Alam mo ba, ang pinakamahirap na parte ng pag let go? 'Yung marinig mo ang kalagayan niya. Sa simula, gusto ko siyang i-check. Nabalitaan ko sa common friends namin na nahirapan talaga si Adrian. Pumayat daw siya, laging balisa, at siyempre, hindi rin nagtagal 'yung relasyon nila ni Sofia. Naghanap siya ng comfort, pero hindi pala 'yun ang sagot sa problema niya.
Noong una, 'yung balita na nagdurusa siya, parang nagtulak sa akin na gusto ko siyang balikan. Parang sinisisi ko 'yung sarili ko, na baka kung hindi ako bumitaw, inalagaan ko siya, baka okay kami. Feeling ko, obligasyon kong ayusin ang brokenness niya. Ang toxic 'di ba?
Pero unti unti, habang inaalagaan ko ang sarili ko, naintindihan ko. Ang pagdurusa niya ay resulta ng desisyon niya, hindi ng pag bitaw ko. Hindi ako ang sagot sa kaniya, at hindi siya ang sagot sa kaligayahan ko. Pag nakikita ko na 'yung posts niya na parang nagta travel na siya at mukhang okay na, wala na akong naramdaman. Hindi na inggit, hindi na lungkot. 'Yun pala 'yung totoong paglaya: ang makita mo ang dating mahal mo na masaya na, at wala ka nang pakialam.
Ngayon, magkaibigan na lang kami. Nag check in kami sa isa’t isa minsan, pero wala nang romantic feelings. Nakita ko na ang pagmamahal sa sarili, ‘yun pala ang pinakamahalaga. Hindi lahat ng love story, may happily ever after. Minsan, may peaceful closure lang. At para sa akin, 'yun ang totoong kaligayahan.