
04/09/2024
Alam mo bang mas okay yung lowkey life ka lang, yung wala kang masyadong kailangan isipin kundi pano ka lang makaka survive sa buhay.
Yung hindi ka nagmamataas, hindi ka rin nakikipag kumpetensya sa kung anong meron yung iba. Kundi masaya ka sa achievement nila. Habang naghihintay ka na next time turn mo naman.
Yung saktong pamumuhay lang, sabay ka lang sa agos ng buhay. Yung kapag meron edi blessed, kapag wala naman okay lang, importante masaya ka pa rin sa mga ginagawa mo at wala kang tinatapakan na tao.
Lalo na wag na wag sana tayong makalimot sa mga taong naging mabuti sa atin. Big shout out sa mga taong nandyan, lalo na sa panahon sinusubok tayo ng mundo. Salamat! 🫶🏻
Credits to: magkoki