06/06/2024
MISIS NG ISANG SEAMAN, KULANG NA KULANG AT HIRAP I-BUDGET ANG PADALANG 75K PESOS KADA BUWAN NG ASAWA!
PARA SAYO MAGKANO BA DAPAT ANG PERA NA NAKUKUHA MO SA ASAWA MO?
Viliral ngayon ang tanong ng isang misis sa kung magkano at parehas lang ba ang natatanggap niyang salary allotment kung ikukumpara sa ibang misis na parehas niyang may asawang mataas na ang ranggo sa barko bilang isang seaman.
Sa ipinost ng Seaman Bars, tila nahihirapan si Misis dito sa Pinas pagkasyahin ang natatanggap niyang 75K kada buwan mula sa sahod ng kanyang asawang nagtatrabaho sa barko at kasalukuyang 3rd officer ang ranggo.
Paliwanag ni misis lahat ng mga araw-araw na gastusin nila kasama ang dalawa nilang anak na kasalukuyang pinag-aaral pa, pati ang buwanang bayad sa bahay, hulugan ng sasakyan, at iba pang mga bills at bayarin ay doon niya kinukuha sa P75,000 malaki man umano pero sadyang hirap siyang budgetin.
"Kc hirap kc ako budgetin yang pera kc dyan ko lahat kinukuha lahat ng gastusin,"
Dito nag-ugat ang kanyang katanungan kung malaki naba para sa kanila bilang pamilya ang natatanggap buwan-buwan o may mas higit pang malaking halagang natatanggap ang ibang misis mula sa kanilang mga asawang seaman.
"Tanong ko lang ganito din ba nakukuha ng ibang wife, na 3rd officer ang husband,"
Gusto ko lang naman malaman kung malaki ba para samin yang allotment o may mas malaki pa binibigay ung iba sa wife nila,"