01/12/2026
Sabi nila sakin noon wala na daw magkakagusto sakin kasi single mom at mahirap lang ako, masakit sa pandinig pero binalewala ko. Linabanan ko ang hirap ng buhay at itinaguyod kong mag isa ang junakis ko. Nakilala ko sa online dating ang jusawa kong afam dito sa Canada nong akoy nanny o caregiver at umpisa palang sinabi ko na sa kanya na may anak ako. Sabi walang problema. Few months lang Kami nagkakilala at nabuo agad nmin si ate Zei at sumunod n taon ay si addy. Gang ngayon matatag pa rin Kami. Single mom man ako dati masasabi kung mas matatag ako kesa sa dalawang mag asawang nagsasama kasi kinaya kong naging nanay at tatay ng aking pangany na anak ☺️
Sa mga single mom kung may nang aalipusta o nanlalait sa inyo deadma lang, who cares wala naman silang ambag sa Buhay niyo. Laban lang kong nakaya ko, kaya niyo rin ☺️