10/17/2025
Akala ko pareho pareho ang lahat ng beef di pala...
Ito ay ang sikat na Wagyu beef na galing sa espesyal na lahi ng baka mula sa Japan na tinatawag na Wagyu di tulad ng regular beef na galing sa karaniwang lahi ng baka tulad ng Angus, Hereford, o iba pang lokal na breed.
Ang Wagyu beef ay may makapal at pantay-pantay na “white marbling” (mga guhit ng taba sa loob ng laman). Kapag niluto, natutunaw ang taba at nagbibigay ng sobrang lambot, juicy, at buttery na lasa samantalang ang regular beef ay mas kaunti ang marbling, kaya mas matigas at hindi kasing malasa kapag niluto.
Panghuli, ang wagyu beef ay matamis, creamy, at malinamnam na lasa; literal na natutunaw sa bibig.