09/11/2025
π Bakit Mahirap Kumuha ng Driverβs License sa Canada para sa mga Bagong Dating na Pinoy?
Kung bagong dating ka dito sa Canada, isa sa mga unang challenges ay ang pagkuha ng driverβs license. Akala ng iba madali lang, pero maraming Pinoy ang nahihirapan. Eto ang mga dahilan:
1οΈβ£ Kailangan magsimula ulit.
Kahit ilang taon ka nang marunong mag-drive sa Pilipinas, hindi ibig sabihin automatic na full license ka na dito. Kadalasan, magsisimula ka sa Knowledge Test (L) bago ka makapag-road test.
2οΈβ£ Kulang sa driving experience na recognized dito.
Kung wala kang official driverβs record o certification mula sa Pilipinas (galing sa LTO), parang first-time driver ka ulit sa Canada. Kaya madalas, kailangan maghintay ng ilang buwan o taon bago ka makakuha ng full license. (Case to Case Basis)
3οΈβ£ Iba ang driving rules at culture.
Sa Canada, very strict sa road safety at traffic rules. Marami ring road signs at markings na hindi common sa Pilipinas. Kung hindi ka sanay, mahirap pumasa sa road test.
π Example:
Sa Pilipinas, nasanay tayong hindi sumunod sa batas dahil pwedeng lagyan ng lagay ang mga enforcer. Dito sa Canada, hindi pwede ang bribery.
Sa Pilipinas, madalas walang seatbelt ang mga driver at pasahero. Dito, may malaking fine o multa kapag nahuli kang hindi naka-seatbelt.
4οΈβ£ Kailangan ng proper driving lessons.
Hindi sapat na marunong ka lang mag-drive. Importante na mag-enroll ka sa trusted driving school o instructor para matutunan ang tamang skills, habits, at rules na hinahanap ng examiners dito.
5οΈβ£ Additional expenses.
Driving lessons, test fees, at requirements (translation ng license, documents, etc.) ay dagdag gastos na kailangan paghandaan.
π Tip: Siguraduhin mong kumuha ng driving lessons at wag madaliin ang proseso. Hindi pwede na matuto ka nalang sa kalye dahil maraming buhay ang nakasalalay sa isang mali mo.
In short: Hindi imposible, pero challenging talaga ang magka-driverβs license agad pag bagong salta sa Canada. Patience, practice, at preparation ang susi.
βIkaw, anong naging experience mo sa pagkuha ng lisensya dito sa Canada?