Lianah's TV

Lianah's TV Digital Creator

03/06/2026

𝐁𝐫𝐢𝐠𝐚𝐝𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐚𝐲 𝟐 & 𝟑
Bawat kamay na tumutulong ay hakbang tungo sa mas maayos at handang paaralan. Maraming salamat sa patuloy na pakikiisa at bayanihan!

01/06/2026

Isang Komunidad, Isang Misyon: Pagbuo ng Paaralang Punô ng Pag-asa at Tagumpay


"Ay naku, abala lang iyang Brigada." sabi ng magulang na nakasakay ko sa jeep.Gusto ko sanang kalabitin at sabihing, "Hu...
01/06/2026

"Ay naku, abala lang iyang Brigada." sabi ng magulang na nakasakay ko sa jeep.

Gusto ko sanang kalabitin at sabihing, "Huwag naman pong laging gusto ay libre. Libre na po ang aral sa public school. May bigay pang school supplies ang LGU. Pati ba linis, libre? Maano baga namang makilinis sa school lalo na sa classroom ng inyong mga anak para pagdating nila sa June 8 ay ganahan silang mag-aral. Hindi naman po tayo magtatagal sa school ng buong araw. Hintay lang ng hintay ng bigay ng gobyerno pero hindi naman makapagbigay ng tulong na linis sa eskwelahan ng anak? Huwag pong ganoon. Magtulungan po tayo. Kung kami nga pong teacher nakikikuskos at pintura ikaw pa ba ang hindi tutulong e anak mo ang papasok diyan at magsi-CR sa maghapon."

Pero siyempre hindi ko sinabi kay ate. Pinigilan ko ang sarili ko kaya dito na lang sa wall ko. 😅

Kaya thankful kami sa mga nagcha-chat ng:
"Teacher, papunta na po ako diyan. Bi-brigada po ako."
"Teacher, wala po ako diyan pero magpapadala po ako ng pang-upa sa magpipintura ng upuan."
"Teacher magpapadala po ako ng pampameryenda sa brigada hindi po kasi ako makakapunta dahil nasa malayo ang work ko."
"Teacher, anong kulay po ba ng pintura ng upuan, bibili po ako para sa ating classroom."
"Friend, anong GCash mo magpapadala ako ng para sa brigada."
Salamat Brigada Heroes! 💖

Tandaan: Ang Brigada Eskwela ay hindi abala. Ito ay pagpapakita ng malasakit mo sa iyong anak, sa paaralan at sa pamayanan. Maglaan sana tayo ng kahit isang araw lang.

Kaya tara na at makiisa sa Brigada Eskwela.

Address

Pagkilatan Batangas City
ON
4200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lianah's TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Lianah's TV:

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share