Doc.Bench FarmTv

Doc.Bench FarmTv Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Doc.Bench FarmTv, Digital creator, Watford, ON.
(24)

For business inquiries such as Partnership, Sponsorship, Promotional ads and Special online swine consultancy: [email protected]

For urgent inquiry subscribe to my page: https://www.facebook.com/DocbenchTv/subscribe/

07/09/2026

🚀 HIRING SA CANADA:
Pork Production Technicians! 🇨🇦🐷
Gusto mo bang magtrabaho sa malaking farm sa Canada 🇨🇦?

Ito na ang chance mo!✨

🎯 SINO ANG HINAHANAP NAMIN?
•May karanasan sa swine/livestock farming.
•Masipag, matiyaga, at matibay ang pangangatwan.
•May good English skills.
•Handa nang lumipad pa-Canada ✈️
🚨 PAANO MAG-APPLY:
Ipadala ang updated na CV o Resume sa email address na ito: [email protected]

I-TAG ANG KAIBIGAN MO na gustong mag-Canada!

06/28/2026

Babuyan ⚠️ Buntis na inahin, BAWAL saksakan ng Oxytetracycline? 🐷❌💉

Bago mag-iniksyon, mag-isip muna! Alam niyo ba na ang Oxytetracycline ay lumulusot sa placenta ng buntis na sow? 😱Eto ang pwedeng mangyari sa mga biik sa loob ng tiyan:

1️⃣ Skeletal Retardation - Nababansot at humihina ang buto ng fetus.
2️⃣ Tooth Discoloration - Dilaw o sirang ngipin pagkapanganak.
3️⃣ Abortion / Mummified - Pwedeng malaglag ang biik o maging "mummy."Kaya kung may lagnat o MMA ang buntis na inahin, iwas muna sa OTC!
Mas ligtas gumamit ng Amoxicillin o Ampicillin para ligtas ang mga biik at si mama piggy. 👍✨

06/27/2026

Mga Gamot na Bawal sa Buntis na Inahin.. , , ,

06/17/2026

🚨MAGBASA AT MATUTO👇🚨

Kapag ang inahing baboy ay 1 month pregnant (buntis) at biglang tamatamlay o nawalan ng gana kumain, kailangan natin itong gawan agad ng paraan. Ang unang isang buwan ng pagbubuntis ay kritikal dahil dito pa lang kumakapit ang mga semilya (embryo) sa matris. Kung mabinat o magkasakit ang inahin, maaari niyang malaglag o mamatay ang mga dinadala niya.

Narito ang mga hakbang at lunas na maaari gawin agad:

1. Suriin ang Katawan ng Inahin (Physical Check)
A. Haplusin at pakiramdaman kung may lagnat: Ang normal na temperatura ng baboy ay 38.5°C hanggang 39.5°C. Kung wala kang termometro, pakiramdaman ang base ng kanyang tainga at singit kung sobrang init.
B. Tingnan ang dumi: Bantayan kung siya ay constipated o matigas ang dumi. Sa mga buntis na inahin ito ang numero unong dahilan kaya nawawalan sila ng ganang kumain.
C.Suriin ang balat: May mga pamumula ba, sugat, o mga itim/purple na batik sa tainga at tiyan?

2. Mga Unang Lunas na Pwedeng Ibigay:
A. Turukan siya ng Vitamin B-Complex. Ang B-Vitamins ay napakagaling magpabalik ng gana sa pagkain at magbigay ng lakas.
B. Pampababa ng Lagnat (Kung Mainit ang Katawan): Kung may lagnat ang inahin, maaari siyang turukan ng Ketoprofen, Flunixin Meglumine, o Tolfenamic Acid para guminhawa ang pakiramdam niya.
Paalala: Iwasan ang Dexamethasone dahil maaari itong magdulot ng pagkalaglag ng dinalang biik kung hindi tama ang sitwasyon.
C. Antibiotic (Kung May Impeksyon): Kung may lagnat at matamlay talaga pagkatapos ng 24 oras, maaaring may impeksyon. Sumangguni sa beterinaryo para sa ligtas na antibiotic sa buntis gaya ng Amoxicillin.

3. Baguhin ang management sa Pagkain at Kulongan
(Supportive Care) Ang pagpapalit ng estilo ng pagpapakain at pag-aalaga ay malaki ang maitutulong para madaling maibalik ang sigla at gana ng iyong buntis na inahin habang ito ay nagpapagaling:
A. Gawing Basa ang Pagkain (Wet Feeding): Huwag munang tuyong feeds ang ibigay. Haluan ito ng malinis at preskong tubig para maging lugaw. Mas madali itong kainin at tunawin ng tiyan.
B. Magbigay ng Green Feed / Pampagana: Magpakain ng sariwang kangkong, dahon ng saging, o hinog na papaya. Ang hibla (fiber) nito ay makakatulong kung constipated siya, at nakaka-engganyo itong kainin.
C. Siguraduhing May Sapat at Malinis na Tubig: Ang baboy na kulang sa inumin ay siguradong hihinto sa pagkain.
D. Siguraduhing malakas ang tulo ng ni**le drinker o palaging puno ng malinis na tubig ang kanyang kainan.
E. Iwasan ang Heat Stress at Ingay: Ang sobrang init ng panahon ay mabilis makapatamlay sa buntis. Wisikan ng tubig ang kanyang bubong o lagyan ng bentilador ang kulongan para presko ang kanyang pakiramdam.

🚨MAGBASA AT MATUTO👇🚨Ang mga ganitong sintomas sa 7-araw na biik ay senyales ng malubhang impeksyon na umapekto sa kanila...
06/17/2026

🚨MAGBASA AT MATUTO👇🚨

Ang mga ganitong sintomas sa 7-araw na biik ay senyales ng malubhang impeksyon na umapekto sa kanilang utak at nervous system.

Ang pinakamadalas na sanhi nito ay:
🚨Meningitis sanhi ng Streptococcus suis o E. coli:
Ito ay isang uri ng mikrobyo (bacterial infection) na pumapasok sa sugat (gaya ng sa pusod, pinutulang buntot, o ngipin). Umaakyat ito sa utak kaya nanginginig, nilalagnat, at hindi makatayo ang biik (madalas ay nakahiga lang at tila nagpu-paddles o sumasagwan ang mga paa).

🚨Arthritis / Joint Ill:
Impeksyon sa mga kasukasuan na nagdudulot ng matinding sakit at lagnat, kaya hindi sila makatayo.

🚨Viral Infection (gaya ng ASF o Pseudorabies):
Bagamat mas madalas ang bacterial, maaari ring virus ang pumasok na nagiging sanhi ng mabilisang panghihina at lagnat.

Anong gamot ang ibibigay? (Immediate Treatment)
Dahil hindi sila makatayo, huwag magbibigay ng gamot sa bibig (oral) dahil baka mapunta sa baga at malunod sila.

Injectable Antibiotic (Laban sa Bakterya):
Penicillin (gaya ng Penstrep) o Amoxicillin: Ito ang unang lunas. Napaka-epektibo nito sa Streptococcus suis.
Paalala: I-check ang dosage sa bote base sa timbang ng 7-day old na biik.

Anti-inflammatory / Pain Reliever (Pababa ng Lagnat at Sakit):
Flunixin Meglumine, Ketoprofen, o Dexamethasone.
Kailangan ito para mapababa agad ang lagnat at mabawasan ang pamamaga sa utak o kasukasuan para mawala ang panginginig.

Mga Dapat Gawin Agad
1. Ihiwalay ang mga sakit:
Kunin ang mga nanginginig na biik at ilagay sa isang malinis, tuyo, at may saping kahon o sako. Huwag silang iwan sa sahig na semento dahil lalo silang lalamigin.
2. Maglagay ng Heater lamp:
Dahil may lagnat, nakakaramdam sila ng matinding ginaw (kaya nanginginig). Maglagay ng heater bulb (red bulb/incandescent light) sa taas ng kanilang higaan.
3. Painumin ng Electrolytes/Asukal:
Dahil hindi sila makatayo para dumedede sa inahin, hihina sila sa gutom at dehydration. Tunawin ang kaunting asukal o electrolytes sa malamig-lamig na pinakuluang tubig. Gamit ang dropper o hiringgilya (walang karayom), dahan-dahang patakan ang gilid ng kanilang bibig. Huwag biglain para hindi mabilaukan.
4. Suriin ang ibang biik at the Inahin: Tingnan kung may lagnat din ang inahin (kung matigas ang dede o walang gatas).

PAALALA: Mas mainam po na kumonsulta agad sa pinakamalapit na Veterinary Office o technician sa inyong munisipyo para mabigyan kayo ng tamang reseta at eksaktong sukat ng gamot.

06/16/2026

🚨 HUWAG MINAMADALI ANG PAGPAPA-AI SA DUMALAGA! 🚨

Alam mo ba na ang masyadong maagang pagpapabuntis sa inahin ay may malaking peligro? Kapag wala pa sa tamang edad (7-8 buwan) at timbang (110-135 kg), maaari itong magdulot ng:
•Dystocia (Hirap sa panganganak)
•Kaunting biik sa unang silang
•Mahinang gatas habang nagpapasuso
•Maikling buhay bilang inahin

💡Tandaan: Ang tamang pag-aantay ay puhunan para sa mas maraming biik at mas malusog na inahin!

Ang pinakamainam na edad para ipa-Artificial Insemination (AI) ang dumalagang baboy (gilt) ay pagsapit ng 7 hanggang 8 b...
06/16/2026

Ang pinakamainam na edad para ipa-Artificial Insemination (AI) ang dumalagang baboy (gilt) ay pagsapit ng 7 hanggang 8 buwang gulang.
Hindi edad ang tanging batayan, kailangan din nilang umabot sa timbang na 110 hanggang 135 kilos at nasa ikalawa o ikatlong paglalandi (heat cycle).Ang pagpaparami ng baboy ay nakadepende sa tamang edad, timbang, at cycle ng kanilang obulasyon.

Ang Galing ng Strategy yung ang dami kong gustong sabihin pero alam nyo na yon.. 🫢🤔
06/16/2026

Ang Galing ng Strategy yung ang dami kong gustong sabihin pero alam nyo na yon.. 🫢🤔

06/16/2026

Sa ganyang kadaming imported na karne ang gobyerno mismo ang magbebenta sa masmurang halaga para malabanan ang epekto ng inflation. Bakit hindi na lang din ang gobyerno ang bumili sa mga local farmers ng baboy sa maskatanggap-tanggap na presyo para lahat ay matutulongan hindi lang ang mga consumers?

06/15/2026

I’M UP FOR SOMETHING 🤔
Magkano na bilihan ng biik ngayon sa lugar nyo?

Address

Watford, ON

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Doc.Bench FarmTv posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Doc.Bench FarmTv:

Shortcuts

Share