05/07/2026
maging maingat sa pagpili ng agency mga kabayan😮😧
News Alert
Migrant Workers Protection Bureau
30 June 2026
𝗣𝗲𝗸𝗲𝗻𝗴 𝗧𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱, 𝗡𝗮𝗯𝗶𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗠𝗪: 𝘾𝙤𝙣𝙨𝙪𝙡𝙩𝙖𝙣𝙘𝙮 𝙁𝙞𝙧𝙢 𝙄𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙧𝙖, 𝙄𝙡𝙡𝙚𝙜𝙖𝙡 𝙍𝙚𝙘𝙧𝙪𝙞𝙩𝙚𝙧𝙨 𝘼𝙧𝙚𝙨𝙩𝙖𝙙𝙤
𝘔𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢, 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴 — Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW), sa bisa ng Closure Order No. 24, Series of 2026, ang tanggapan ng Venancia Consultancy PTY Ltd./Venancia International Manpower, Inc. (Venancia) na matatagpuan sa Sta. Ana, Manila sa pangunguna ni Secretary Hans Leo J. Cacdac, kasama sina Undersecretary Bernard P. Olalia, Assistant Secretary Jerome Alcantara at mga Director ng Migrant Workers Protection Bureau at Regional Director ng DMW-NCR, sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group. Kasabay nito, naaresto sina Jomalyn Baya Fisher (Fisher) at Glydel Sayon (Sayon) kasunod ng mga reklamong natanggap ng DMW kaugnay ng umano'y mapanlinlang na alok na trabaho sa Poland.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, ang mga recruiter na sina Rina Songahid Bench (Bench) at Fisher, kasama ang kanilang mga kasabwat na sina Arlyn Rodriguez (alyas "Rodriguez") at Sayon, ay nagsasagawa ng recruitment activities sa pamamagitan ng Venancia. Ipinakikilala umano nila ang kumpanya bilang may awtoridad na magpadala ng mga manggagawa sa Poland para sa mga posisyong welder at factory worker na may ipinapangakong buwanang sahod na 1,200 Euro, o humigit-kumulang ₱85,000. Ayon sa mga biktima, sinisingil din sila ng mga recruiter ng ₱300,000 bilang processing fee.
Sa isinagawang beripikasyon ng DMW, natuklasang sina Bench at Fisher ay mga recruitment officers ng isang lisensyadong recruitment agency at ito ang ginagamit nila upang makapangloko ng mga aplikante. Napatunayan din ng DMW na walang aprubadong job order ang nasabing ahensiya para sa anumang trabaho sa Poland, dahilan upang mapatunayang walang legal na batayan ang mga alok na trabaho.
Mahaharap sa kasong illegal recruitment sina Bench at Fisher, kasama ang kanilang mga kasabwat na sina Rodriguez at Sayon. Isasama rin ang kanilang mga pangalan sa DMW List of Persons and Entities with Derogatory Record. Bukod dito, irerekomenda ng DMW sa mga kinauukulang tanggapan ang pagkansela ng business permit ng Venancia sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila, gayundin ang pagkansela ng rehistrasyon nito sa Department of Trade and Industry (DTI).
Nananawagan ang DMW Migrant Workers Protection Bureau sa iba pang mga biktima ng Venancia o nina Venancia o nina Bench, Fisher, Rodriguez at Sayon na mangyari lamang na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng https://www.facebook.com/dmwairtip upang mabigyan ng libreng tulong legal.