25/09/2024
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
Magbalik-tanaw tayo sa mga hirap ng Ina
Mga hirap niya noong nasa sinapupunan ka pa
Hirap niya noong isinilang ka.
At mga puyat niya noong sanggol ka pa.
Sa bawat pag-iyak mo sa malalim na gabi,
Hindi siya mapakali.
Pero lahat nang pag-iyak mo,
Siya ang unang nakakaintindi.
Nadudurog ang puso niya,
Sa panahong may karamdaman ka.
Kahit ngayong malaki kana,
Iisa parin ang damdamin niya kapag may sakit ka.
Mga panahong natuto ka nang sumuway,
Siya ang unang nasasaktan kapag palo sayo ay lumatay.
At ngayong may sarili ka ng buhay,
Masakit sakaniya ang salitang 'mawalay'.
Alalahanin mo siya kahit malayo ka na.
Alalahanin mo siya dahil tumatanda na siya.
Alalahanin mo lahat ng hirap niya.
Alalahanin mo siya sa panahon ng karamdaman niya.
Kapag sinabi niyang masakit ang ulo niya,
Hindi yan umaarte.
Kapag sinabi niyang masama ang pakiramdam niya,
Hindi yan umaarte.
Kapag sinabi niyang nahihirapan siyang huminga,
Hindi yan umaarte.
Kapag sinabi niyang nanginginig siya,
Hindi yan umaarte.
Kapag sinabi niyang nanghihina siya,
Hindi yan umaarte.
Kapag sinabi niyang para siyang nauupos na kandila,
Hindi yan umaarte.
At kapag sinabi niyang okay lang siya.
Please lang, huwag ka sanang kampante.
Maikli na lang ang buhay niya.
Sulitin mo na sana.
Sa panahong nagkakaedad na siya,
Maramdaman mo sanang hindi ka dapat mawala sa tabi niya.
Kung paanong hindi ka niya pinabayaan noong sanggol ka,
Iparamdam mo namang nandiyan ka para sakanya.
Na handang mag-alaga hanggang sakanyang pagtanda.
Huwag mong hayaang magpantay ang kaniyang mga paa,
Na hindi ka man lang nakabahagi sa pag-aalaga sa kanya.
CCTO