
21/09/2025
Gising na gising na tayo sa katotohanan
Handa nang manindigan at lumaban!
Hindi na kailanman magpapaisa,
sa mga walang kaluluwang buwaya!
Mahal kong Pilipinas, malayo man sa iyong piling,
Kasama ang kapakanan mo sa’king mga panalangin.
Titindig akong kasama ng bawat Pilipino
hanggang sa matamo natin ang tunay na pagbabago. 🇵🇭❤️