19/02/2026
Wee hindi rin! Paano naman kaming nasa middle na sa amin lahat
"PSYCHOLOGY SAYS THAT THE MOST STRESSED IN THE FAMILY IS NOT THE MOTHER OR THE FATHER, IT'S THE ELDEST."
Sa maraming pamilyang Pilipino, ang panganay ang automatic na “pangalawang magulang.” Kahit hindi sabihin, ramdam niya ang responsibility na tumulong at maging role model.
Habang bata pa lang, tinuturuan na siyang maging mature at mag adjust. Madalas hindi siya pwedeng mag inarte kasi kailangan niyang magpaka strong para sa mga kapatid niya.
Kapag may problema sa bahay, siya ang unang nakakaalam at unang inaasahan. Kahit hindi niya obligasyon, kusa niyang binubuhat ang pressure.
Yung mga pangarap niya minsan naisantabi para unahin ang pamilya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil mahal niya sila.
May unspoken rule ang pagiging panganay, kailangan mong kayanin. Kahit pagod ka na, kailangan tuloy pa rin kasi may nakatingin at umaasa sa’yo.
Hindi rin sila madalas nasasabihan ng “okay ka lang ba?” Kasi sa paningin ng lahat, kaya naman nila.
Pero ang totoo, may moments din na gusto lang nilang maging bata ulit. Yung walang iniisip kundi sarili nilang growth at happiness.
Sa kanila madalas napupunta ang pagiging mediator kapag may away. Sila ang taga ayos, taga intindi, at taga salo ng emotions ng lahat.
Kaya kung ikaw ay panganay, know that your feelings are valid. Hindi mo kailangang dalhin ang lahat mag isa.
At kung may panganay ka sa pamilya, kamustahin mo rin siya. Minsan ang strong, sila rin ang tahimik na napapagod.
Appreciate the eldest in your family. Hindi man nila sinasabi, malaking bagay ang simpleng thank you at pag acknowledge sa sakripisyo nila.