08/11/2025
Embracing the British Weather on an Autumn Hike
Isang buwan na pala since our last adventure trip. After that, halos lahat kami nagkasakit — may flu, ubo, sipon, at inatake pa ng asthma. So most of the time, nasa bahay lang kami, nagpapahinga at nagpapagaling.
After one week na okay na kami, sabi namin, “Tara, lakad ulit tayo! Hanap tayo ng autumn colors!” We already knew na baka hindi maganda ang weather — kasi syempre, British weather: ulan, lamig, at hangin.
For the first two days, tama nga kami. Umulan nang umulan. So we stayed inside, nag-board games lang, nagluto, at umaasang titigil din ang ulan soon. Pero habang tumatagal, parang nangangati na ‘yung mga paa namin sa kaka-stay sa loob.
On the third day, kahit umuulan pa rin, sabi namin, “Bahala na. Go na tayo!” We decided to visit a nearby waterfall, mga two miles lang mula sa accommodation namin. Pero pagdating namin sa trail, grabe — baha! Hindi kami makatawid, so we had to take a different route.
Pero dahil dun, may bonus view kami — mga green farm fields with sheep, tapos may cute na bahay sa gitna, at sa likod nito, ang ganda ng view ng fells. Parang nasa postcard.
Pagdating namin sa waterfall, wow! Ang lakas ng agos — sobrang dami ng tubig dahil sa tuloy-tuloy na ulan. Nakakabingi pero ang ganda talaga.
On our last day, buti na lang, medyo gumanda na ang weather. Pero mabigat na ‘yung mga bag namin kasi checked out na kami. Kahit ganun, nag-enjoy pa rin kami sa short walk. Ang paligid, puno ng autumn colors — orange, red, yellow. Ang ganda, and that’s exactly why we came.
Dito ko na-realize something simple pero totoo: minsan hinihintay natin na maging perfect ang weather bago tayo lumabas. Pero minsan, kahit umuulan, kahit malamig — go lang. Kasi minsan, ‘yung mga adventures sa ulan, ‘yun ‘yung pinaka-memorable.