18/09/2025
⚠️ WARNING SA MGA NANAY NA CESAREAN ⚠️
Nagbahagi ng karanasan si Shabaha Ibrahim tungkol sa panganib ng pagbuka o pagdugo ng tahi matapos ang C-section, kahit matagal nang naghilom ang sugat.
Kwento niya, nagsimula lang siya sa simpleng paghawak sa kanyang tiyan nang mapansin ang kakaibang amoy at bahid ng dugo. Agad niyang nakita na may konting sugat na bumuka at may langib. Mabuti na lamang at naagapan niya agad sa pamamagitan ng paglilinis, paglalagay ng betadine, at pagtatakip upang maiwasan ang impeksyon.
Dagdag pa niya, totoo ang paalala ng mga doktor na dapat iwasan ang pagbubuhat ng mabibigat at labis na pagkapagod dahil may tsansa pa ring bumuka ang tahi kahit matagal nang operasyon.
Sa huli, nagpasalamat si Ibrahim na hindi lumala ang kanyang kondisyon at nanawagan siya sa kapwa niya mga nanay na dumaan sa cesarean section:
👉 “Magingat po tayu bago lumala ang puwedeng mangyari. Tayong mga CS, iwasan po natin magbuhat ng mabibigat at magpakapagod ng madalas.”
゚