13/03/2025
I don’t like to involve myself to politics pero sonbrang nakaka lungkot ang nang yayari..
BAKIT SA PANGULO ANG SISI? KUNG SI DATING SENADOR ANTONIO TRILLANES AT MAGDALO PARTY LIST ANG NAGSAMPA NG KASO PARA MAKULONG ANG DATING PANGULO?
*Taong 2017 noong nag file ng kaso si dating Senador Antonio Trillanes laban kay dating panguulong Duterte sa International Criminal Court. Taon kung saan kasapi pa ang bansa sa ICC.
*Taong 2019 naman ng kumalas ang Pilipinas sa hurisdiksyon ng ICC sa ilalim ng administrasyong Duterte.
*Nag patuloy ang imbestigasyon ng ICC sa War on Drugs at EJK sa Pilipinas hanggang March 16, 2019 na di kalaunan ay natigil dahil sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC ngunit hindi ito nangangahulugan na wala nang bisa ang imbestigasyon.
*Noong panahon ng kampanya para sa pagka presidente, naindigan si Pangulong Bongbong Marcos na hindi nito papayagan ang ICC na mag imbestiga laban sa isyu ng Pilipinas.
*Lumipas ang mga taon pagkatapos manalo ni Marcos, tinupad nito ang pangako nitong hindi makikipag-ugnayan sa ICC kahit na sa panahon ng pambabatikos ng mga Duterte.
*Taong 2025, ng mag request ang ICC ng tulong sa Interpol upang mahuli si Duterte sa Pilipinas. Miyembro ang Pilipinas ng Interpol kung kaya't walang nagawa ang pamahalaan kundi makipag ugnayan alinsunod sa "COMMITMENT" ng Pilipinas sa Interpol.
Nakipag ugnayan ba ang Marcos Admin sa ICC? HINDI!
Kahit ayaw ng pamahalaan na isuko si Duterte sa ICC ay wala na itong magagawa kung ito ay padadaanin sa INTERPOL bilang pagsunod sa kasunduan ng Pilipinas at Interpol. Isang bagay na hindi maintindihan ng mga DDS.
Ngayon, kasalanan ba ni Pangulong Marcos na mahuli si FPRRD? HINDI!
Maaaring hindi makukulong at ipapahuli ang dating Presidente kung walang nagsampa ng kaso sa ICC, sino ang nagsampa? SI DATING SENADOR TRILLANES.
Kaya't huwag natin isisi sa pangulong Bongbong Marcos ang pagkakadakip kay Duterte, ginawa lamang ng pamahalaan ang legal at tamang paraan bilang isa sa mga miyembro ng Interpol.
https://www.abs-cbn.com/news/nation/2025/3/11/trillanes-de-lima-laud-duterte-s-arrest-1424
ccto