
29/08/2024
Roma 12:17-21
“17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat. 18 Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Diyos. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”20 Kaya, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo. Kung siyaʼy nauuhaw, painumin mo. Dahil kapag ginawa mo ang mga ito, mapapahiya siya sa kanyang sarili.”21 Huwag kayong patatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.”
Sa English,
Romans 12:17-21 (GNT)
17 If someone has done you wrong, do not repay him with a wrong. Try to do what everyone considers to be good. 18 Do everything possible on your part to live in peace with everybody. 19 Never take revenge, my friends, but instead let God's anger do it. For the scripture says, “I will take revenge, I will pay back, says the Lord.” 20 Instead, as the scripture says: “If your enemies are hungry, feed them; if they are thirsty, give them a drink; for by doing this you will make them burn with shame.” 21 Do not let evil defeat you; instead, conquer evil with good.”
Kahit anong gawing masama sa atin ng ating kapwa, huwag natin hayaan na sakupin tayo ng galit at gumanti. Dahil kahit kailan hindi makakabuti ang gumanti sa taong gumawa sa atin ng masama. Kung gagawin rin natin yong ginawa nila sa atin, parang wala na rin tayong pinagkaiba sa kanila.
Ito ang sinabi sa,
Mateo 5:39 ASND
"Ngunit sinasabi ko sa inyo na huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Kung sampalin ka sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa."
Sa madaling salita, palawakin natin ang ating isip sa pag-unawa dahil ito ang turo ng Diyos. Kung may ginawa man sa atin ang ating kapwa, ipagdasal natin sila.
Tandaan, mas piliin palagi natin ang maging mabuti kesa maghiganti.
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/