Nhoem's Channel

Nhoem's Channel Sharing Positive and Good Vibes. Sharing all the Places that I Travel and Explore.

Good Morning EveryJuan 😘
25/04/2026

Good Morning EveryJuan 😘

Na kapag lunch ka naba ka EveryJuan
23/04/2026

Na kapag lunch ka naba ka EveryJuan

NANGUNGUTANG pa para lang MAKAPAGBIGAY.Ito yung hindi nakikita ng maramikapag mabait ka.Sa labas,mukha kang matatag.Mukh...
16/04/2026

NANGUNGUTANG pa para lang MAKAPAGBIGAY.

Ito yung hindi nakikita ng marami
kapag mabait ka.

Sa labas,
mukha kang matatag.
Mukha kang may kaya.
Mukha kang laging may solusyon.

Pero sa loob,
ikaw na lang ang nag-a-adjust.

Kapag may kailangan sa bahay,
ikaw ang unang naiisip.
Kapag may kulang,
ikaw ang tatakbuhan.

At dahil mabait ka,
hindi ka humihindi.

Kahit wala na talagang natitira.
Kahit ikaw na ang kinakabahan.
Kahit alam mong kukulangin ka.

Minsan,
umasang ka na lang sa utang.
Hindi para sa luho.
Hindi para sa sarili mo.

Para lang may maibigay.
Para lang may maitulong.
Para lang hindi ka makadagdag sa problema nila.

Pero eto yung masakit na part.

Habang sinasalo mo ang lahat,
unti-unti kang nalulubog.
Savings mo nawawala.
Buffer mo hindi nabubuo.
Ikaw ang nahuhuli.

Hindi dahil iresponsable ka.
Kundi dahil sobra kang nagbibigay.

Being a kind
doesn’t mean ikaw ang sasalo ng lahat
kahit masira ka na.

Hindi kabaitan ang mangutang
para lang hindi ka tumanggi.

Hindi rin kawalan ng puso
ang magsabi ng “hanggang dito lang.”

May tulong na totoo.
At may tulong na kailangan ng hangganan.

Kasi hindi mo matutulungan ang iba
kung ikaw mismo
wala nang matitirhan kapag bumigay ka.

"KUNG PABIGAT SIYA SA BUHAY MO, KAILANGAN MONG MAGISING "Hindi agad obvious.Kasi mahal mo.Kasi iniintindi mo.Kasi iniisi...
31/03/2026

"KUNG PABIGAT SIYA SA BUHAY MO, KAILANGAN MONG MAGISING "

Hindi agad obvious.

Kasi mahal mo.
Kasi iniintindi mo.
Kasi iniisip mong phase lang.

Pero habang tumatagal…

ikaw ang nauubos.

Realtalk.

Imbis na makatulong siya sa buhay mo…

dumadagdag siya sa problema.

Ikaw ang gumagastos.
Ikaw ang nag-aayos.
Ikaw ang nagdadala ng stress.

At siya?

Walang ambag.
Walang initiative.
Walang pagbabago.

Kahit anong gawin mo…

ikaw pa rin ang sasalo.

At doon mo marerealize…

hindi siya partner.

Pasanin siya.

Kasi ang partner…

nagpapagaan ng buhay.

Tumutulong.
Sumasabay.
Nag-aambag.

Hindi yung ikaw lang ang bumubuhat.

Kaya tanungin mo ang sarili mo.

Umuunlad ka ba kasama siya…
o lalo kang napapagod dahil sa kanya?

Kasi sa dulo ng lahat…

hindi sapat na mahal mo siya.

Kung pabigat siya sa buhay mo…

kailangan mong magising.

🤣😂😅
11/03/2026

🤣😂😅

Yummy 😋 😋 😋
25/02/2026

Yummy 😋 😋 😋

Fried Rice Lang Niluto ko for my Dinner. The rest vatke out order na ang Dinner nila 😊😊.
07/02/2026

Fried Rice Lang Niluto ko for my Dinner. The rest vatke out order na ang Dinner nila 😊😊.

07/02/2026

"REAL TALK PARA SA MGA PINOY ABROAD"

Hindi lahat ng kababayan ay automatic na safe pagkatiwalaan. Hindi ito paninira — ito ay self-protection.

💡 Mga dapat iwasan para iwas problema:

👉 Tsismis – Kahit nakikinig ka lang, pwede kang madamay. Manahimik, umiwas, protect your peace.
👉 Pakikampi sa away – Hindi mo laban yan. Stay neutral, stay professional.
👉 Basta-bastang pautang – Maraming samahan ang nasisira dito. Magpautang lang ng kaya mong hindi na mabawi.
👉 Pag-share ng sahod at ipon – Hindi lahat ng nagtatanong ay concerned. Keep your finances private.
👉 Illegal o risky na raket – Isang mali lang, pwedeng mawala ang trabaho o visa mo. Hindi sila ang magsa-suffer — ikaw.
👉 Sobrang tiwala agad – Tiwala ay iniipon. Observe muna ang ugali at respeto sa boundaries.
👉Pagdadala ng personal na issue sa trabaho – Trabaho ang dahilan kung bakit ka nandyan. Huwag hayaang masira dahil sa drama.

👉 Hindi mo kailangang umiwas sa lahat ng kapwa Pinoy.
Ang kailangan mo lang ay maging mapili sa papasukin mong samahan.

👉 Piliin ang makakapagbigay ng suporta, hindi stress.
👉 Piliin ang tahimik na buhay kaysa magulong pakikisama.

Kabayan, tandaan mo:
Peace of mind abroad ay mas mahalaga kaysa pakikisama na puno ng problema. 💯✅




07/02/2026

SIRANG LUGGAGE PAGDATING SA DESTINATION? ALAMIN ANG KARAPATAN MO, KABAYAN!

Isa ito sa pinaka-nakakainis na eksena pagkatapos ng mahabang biyahe:
Dumating ka sa destination mo, pero sira, nabutas, o basag ang luggage mo.
Minsan zipper lang ang nasira, minsan may crack, at sa mas malala—halos hindi na magamit ang maleta.

❓ Ang tanong: Pwede ba itong ireklamo?
✅ Ang sagot: OO, pwede — basta alam mo ang tamang gawin.

🧳 RESPONSIBILIDAD NG AIRLINE

Responsibilidad ng airline ang luggage mo mula check-in hanggang sa makuha mo ito.
Kapag nasira ang bag dahil sa handling nila, may karapatan kang humingi ng:
• Repair
• Replacement
• Compensation
(depending sa policy ng airline)

⚠️ Pero tandaan: hindi automatic ang claim. Kailangan mong kumilos agad.

⏰ KAILAN DAPAT I-REPORT

👉 BAGO KA LUMABAS NG AIRPORT
I-check agad ang luggage mo sa baggage claim area.
Kapag lumabas ka na ng arrival zone at saka ka lang nagreklamo, kadalasan hindi na tinatanggap ng airline.

📍 SAAN KA MAGREREKLAMO

Pumunta agad sa:
Baggage Assistance / Lost & Damaged Luggage Desk

Sabihin nang malinaw:
🗣️ “Nasira po ang luggage ko during the flight.”
Bibigyan ka nila ng damage report at reference number.

✅ KARANIWANG COVERED NA DAMAGE

• Nabutas o napunit ang maleta
• Sirang zipper o gulong
• Basag ang hard case
• Major dents na hindi na normal gamitin

❌ KARANIWANG HINDI COVERED

• Normal wear and tear
• Maliit na gasgas o scratch
• Lumang luggage na mahina na talaga
• Overpacked na pumutok dahil sa sobrang laman

🎁 ANO ANG POSIBLENG IBIGAY NG AIRLINE

Depende sa assessment:
• Libreng repair
• Replacement luggage
• Travel voucher
• Partial cash compensation

💡 TIPS PARA MAS TUMAAS ANG CHANCE NG CLAIM

• Kunan agad ng picture ang sira
• Itabi ang boarding pass at baggage tag
• Maging mahinahon sa pakikipag-usap
• Sundin ang instructions ng staff

🛫 PAALALA SA SUSUNOD NA BIYAHE

• Gumamit ng matibay na luggage
• Iwasan ang sobrang bigat
• Gumamit ng luggage cover
• I-check agad ang bag sa carousel

📢 Paalala, Kabayan:
Hindi ka maarte kapag nagreklamo ka ng sirang luggage.
Karapatan mo iyon bilang passenger.

✨ Mas handa ka sa biyahe kapag alam mo ang karapatan mo.
Knowledge is protection

📌 DISCLAIMER:
Ang impormasyong ito ay para sa general awareness at guidance lamang. Maaaring mag-iba ang policy, proseso, at compensation depende sa airline, bansa, at airport. Para sa pinaka-accurate at updated na detalye, makipag-ugnayan pa rin diretso sa iyong airline o airport baggage service desk.

🧳✈️

07/02/2026

"TATANDA KANG WALANG IPON AT PERA KAPAG GINAGAWA MO PADIN ITO".

May napanood akong study dati.

63% ng mga Pinoy na 60 years old pataas,
walang ipon, walang pera.

27% patay na bago man lang
maranasan ang retirement.

5% lang ang nagtatrabaho pa rin
kahit matanda na.

At 4% lang ang may financial freedom.

Nakakalungkot, diba?

Pero ang tanong.
Bakit?

May dalawang dahilan kung
bakit 95% ng mga Pilipino
ay ganito ang nangyayari.

Una.
Walang disiplina sa pera.

May kakilala ka ba na
nung maliit pa lang ang sahod,
hirap na hirap na?

Utang dito.
Utang doon.
Hirap sa bills.

Tapos nung tumaas yung sahod.
Nung na-promote.

Ganun pa rin.

Bakit?

Kasi nung tumaas yung kita,
tumaas din yung gastos.

Tumaas din yung lifestyle.
Inuubos kung anong meron.

It’s human nature.

Kaya kahit lumaki na ang sahod,
wala pa ring natitira.

Kung ayaw mong tumanda
na walang ipon,
kailangan mo ng disiplina.

Hindi yung inuubos lahat.

Kundi inuuna mo muna
yung para sa future mo.

Yung para sa emergency.
Yung para sa kinabukasan.

At kung wala talagang disiplina,
hindi rin mangyayari yan.

Pangalawa.
Iisa lang ang source of income.

Kung maliit na nga yung minimum wage,
tapos iisa lang
yung pinagkakakitaan mo,
kakapusin ka talaga.

Sweldo lang.
Trabaho lang.

Kapag nawala yan,
paano na?

Kapag may sakit ka,
paano na?

Kapag tumanda ka
at hindi ka na kayang tanggapin sa trabaho,
paano na?

Ang kagandahan ngayon,
maraming paraan
para magkaroon ng additional income.

Online business.
Freelancing.
Content creation.
Part-time service.

Yung mga business partners ko,
full-time sa work,
pero sinisingit nila
yung online business.

At dahil doon,
may extra income sila.

Hindi na puro asa sa sweldo.

Kaya kung ayaw mong tumanda
na walang ipon at walang pera,
tignan mo yung dalawang to.

Disiplina sa pera.
At additional source of income.

Wag na nating ulitin
yung pagkakamali
ng nauna sa atin.

Kailangan maging mautak tayo
sa paghawak ng pera.

So tanong ko lang.

Ano ba ang ginagawa mo ngayon
para hindi ka mauwi sa 95%?

Kung wala kang sagot,
alam mo na ang kailangan mong baguhin.

Hindi bukas.
Kundi ngayon.



06/02/2026

"NAGING EMERGENCY FUND KA NG IBA DAHIL MABAIT KA"

Kung mabait ka,
malamang pamilyar ito sayo.

Kapag may problema sila,
ikaw ang tinatawagan.
Kapag may emergency,
ikaw ang nilalapitan.

Hindi dahil ikaw ang pinaka-marami.
Kundi dahil ikaw ang hindi tumatanggi.

Sa una, parang okay lang.
“Isang beses lang.”
“Last na to.”
“Kailangan lang talaga nila.”

Pero napansin mo na ba?

Habang sila umaayos,
ikaw ang nauubos.

Savings mo nagagalaw na.
Plans mo napo-postpone.
Peace of mind mo nawawala.

Unti-unti,
naging emergency fund ka na.

Not by choice.
By pattern.

Kapag walang hangganan ang kabaitan,
natuturuan mo ang tao
na pwede ka nilang sandalan kahit kailan.

Hindi dahil masama sila.
Kundi dahil nasanay sila.

And the scary part?
Kapag ikaw na ang may emergency,
wala ka nang mapuntahan.

Kasi ikaw ang laging nagbibigay.
Ikaw ang laging may sagot.

But here’s the reminder you need:
you are not a system.
You are a person.

Hindi ka bangko.
Hindi ka safety net.
Hindi ka dapat maubos para lang may gumaan.

Helping should come from capacity,
not guilt.

At kung kailangan mo nang huminto,
okay lang yon.

Hindi ka nawalan ng puso.
Nagkaroon ka lang ng limitasyon 👊👊👊

Address

Che Kung Mui Road
Hong Kong
999077

Telephone

+85257437980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nhoem's Channel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Nhoem's Channel:

Share