03/12/2025
Bibigyan ng tig $20,000 ang lahat ng mga foreign domestic helper na nakatira sa Wang F*k Court sa Tai Po para sa mga gamit nilang nawala o bayad-pinsala sa trabaho nila na maaring naapektuhan dahil sa sunog.
Hiwalay ito sa $200,000 na ibibigay sa pamilya ng bawat namatay sa sunog, at bayad din ang lahat ng gastos sa pagpapalibing.
Ang mga nasaktan naman na tumagal sa ospital ng isang linggo o mahigit ay tatanggap naman ng $100,000 samantalang $50,000 naman sa mananatili ng 1 hanggang 6 na araw.
Libre din ang gamutan ng lahat ng mga nakatira sa apektadong lugar ng hanggang Dec 31, 2026.
Ang mga nawalan ng mahahalagang dokumento katulad ng HKID card, pasaporte ng HKSAR at iba pa, ay bibigyan ng kapalit ng walang bayad, at maaring makuha ito sa loob lang ng 2 araw.
GANITO KABILIS UMAKSYON DITO SA
HONG KONG 🇭🇰. 🙏🙏