
01/09/2025
Narito ang buod ng mensahe ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor hinggil sa isyu ng dredging:
⏸️PAGSUSPINDE NG DREDGING:
➤Sinuspinde ang "Notice to Proceed" para sa dredging projects ng Ionic Cement Industries Incorporated at Southern Concrete Industries Incorporated noong Agosto 8, 2025. Tinanggap ito ng mga kumpanya noong Agosto 11, 2025, bilang patunay na dokumentado ang pagsuspinde.
➤Ang desisyon ay ginawa upang magkaroon ng mas malalim na dayalogo at maiwasan ang pagkakawatak-watak ng mga mamamayan.
➤Nasuspinde rin ang dredging project sa bayan ng Baco noong Agosto 22, 2025.
➤Ang mga ito ay MALINAW, DOKUMENTADO, at LEGAL.
📜PAGLILINAW SA PROYEKTO:
➤Ang dredging ay bahagi ng "flood control program" na sinimulan pa noong Setyembre 2019.
➤Ang programa ay batay sa pag-aaral ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa ilalim ng DENR sa loob ng anim na taon.
➤Ito ay kaakibat ng paggawa ng mga d**e at flood control projects upang masolusyunan ang problema sa baha.
⚖️PAGBIBIGAY LINAW SA MGA AKUSASYON:
➤Mariing pinabulaanan ni Gov. Dolor na may nagaganap na "sea dredging, sea quarrying, at black sand mining" sa Oriental Mindoro.
➤Itinanggi niya na ang dredging ay may kinalaman sa pagbaha at landslide, at itinuro na ang mga ito ay galing sa bundok, hindi sa dagat.
➤Tinawag niya na "fake news" ang mga paratang na pera lamang ang dahilan sa likod ng dredging.
📢PANAWAGAN AT BABALA:
➤Nanawagan siya sa mga mamamayan na itigil na ang pagpapakalat ng "fake news" at manawagan para sa isang dayalogo na may respeto.
➤Hinamon niya ang mga indibidwal na nagtatago sa likod ng mga pekeng accounts, pages, at AI na naninira sa kanyang pagkatao at programa.
➤Nagbabala si Dolor na gagamitin niya ang lahat ng kanyang karapatan sa ilalim ng batas upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
PANOORIN ANG KANYANG PAHAYAG: https://www.facebook.com/share/v/1SikwasDDo/