Pinatud A Saleng ti Umili

Pinatud A Saleng ti Umili Advocates for the promotion and protection for the right and welfare of migrant workers

Malinaw ang aming mga panawagan. Aksyonan at ipatupad!
26/07/2026

Malinaw ang aming mga panawagan. Aksyonan at ipatupad!

26/07/2026

July 26, 2026
T3
Sana napasaya namin kayo

Kahit bumabagyo, sama-samang ipinagdiwang ang kaarawan ng mga kasamahan naming may kaarawan ngayong Hulyo.Muli maligayan...
26/07/2026

Kahit bumabagyo, sama-samang ipinagdiwang ang kaarawan ng mga kasamahan naming may kaarawan ngayong Hulyo.
Muli maligayang bati sa mga celebrants 🎂🎊💐🎈🎉❤️😘.

Maraming salamat sa mga donors Ancezu Andi at iba pa.

26/07/2026

Peoples' SONA
Ang mensahe ng Pinatud A Saleng ti Umili sa ikalimang SONA ng Rehimeng US-Marcos Jr. ni ay "MAHIYA NAMAN KAYO!"

26/07/2026

NEWS | Indigenous women in the Cordillera are urging President Ferdinand Marcos Jr. to use his fifth State of the Nation Address to announce concrete measures protecting ancestral lands, communities and environmental defenders.

Read more: https://tinyurl.com/bddwt3su

26/07/2026

Migrante International
STATEMENT
July 21, 2026

Migrant rights group decry death of two Filipino seafarers, calls on all seabased OFWs to unite and join global call to end intensifying imperialist wars

Migrante International expressed outrage at the recent death of two Filipino migrant seafarers and 12 others who were injured as a result of drone attacks resulting from the escalating US-NATO Proxy War in Ukraine. According to the Department of Migrant Workers, a total of nine vessels carrying the Filipino seafarers and transiting the Black Sea were reported to have been attacked in separate instances. Meanwhile, one Filipino seafarer remains missing.

"We mourn the death of our two Filipino seafarers and extend our deepest sympathies to their families. We condemn the escalating conflict and imperialist wars from Europe to the Middle East, led by the number one imperialist United States that has directly endangered the lives and safety of migrant seafarers who work in various ports, logistics hubs and cargo, commercial and oil rig vessels" stated Joanna Concepcion, Chairperson of Migrante International

Migrante also lambasted the Marcos Jr. regime for failing to protect Filipino seafarers and for supporting the U.S. in strengthening its global war machine.

"While the Department of Migrant Workers has declared maritime corridors such as the Black Sea and the Strait of Hormuz as "War-like Operations Areas" and released advisories to our seafarers on their right to refuse deployment, the death of our two seafarers prove that the PH government's response remain inadequate and do not address the systemic problem of the lack of long-term job creation for Filipino seafarers at home and prioritizing the building of our own national maritime industry", according to Concepcion

"We also hold Marcos equally accountable for the deaths of our seafarers and the increasing number of Filipino seafarers who are placed in the cross fire because he continues to bow down to his imperialist master, surrendering Philippine sovereignty by allowing the US to use the entire country as a military base and launching pad for its wars of agression. He has committed to providing the US with vast tracts of land under the Pax Silica initiative for weapons production that will only heighten the global crisis and place more innocent lives at risk" added Concepcion.

Migrante called on Filipino seafarers to join the growing global movement resisting imperialist wars.

"Filipino seafarers alongside all Filipino migrant workers all over the world should unite, express our rage and join collective protest actions to demand an end to all imperialist wars of agression, and resist US intervention in the Philippines that are causing the suffering of working peoples." declared Concepcion # # #

https://migranteinternational.org/migrant-rights-groups-decry-death-of-two-filipino-seafarers-calls-on-all-seabased-ofws-to-unite-and-join-global-call-to-end-intensifying-imperialist-wars/

https://www.facebook.com/share/p/1LDGDFHymc/
16/07/2026

https://www.facebook.com/share/p/1LDGDFHymc/

ILANTAD AT ITAKWIL ANG HUWAD NA KORDILYERA DAY NG HULYO 15!

IPAGLABAN ANG TUNAY NA AWTONOMIYA, SARILING PAGPAPASYA, AT LUPANG NINUNO!

Ang pamana ni Macli-ing Dulag ay hindi ang pagtanggap sa huwad na awtonomiya, kundi ang pagpapatunay na ang tunay na sariling pagpapasya ng mamamayan ay nakakamit lamang sa militanteng pakikibaka.

Para sa mamamayan ng Kalinga, ang Hulyo 15 ay hindi kailanman naging araw ng tunay na awtonomiya. Isa itong pagtatangka ng estado na palitan ang kasaysayan ng pakikibaka ng Kordilyera ng isang huwad na salaysay ng "kapayapaan" at "awtonomiya." Binubura nito ang militanteng paglaban ng mamamayan ng Kalinga at buong Kordilyera laban sa Chico River Dam Project, Cellophil Resources Corporation, at iba pang mapangwasak na proyektong ipinataw sa ating lupaing ninuno. Binubura rin nito ang pamana ni Macli-ing Dulag at ng libu-libong katutubong lumaban para sa lupa, buhay, at karapatan sa sariling pagpapasya.

Hindi Hulyo 15 ang sumasagisag sa Kordilyera. Ang ating Kordilyera Day ay Abril 24—ang Kordilyera Day ng Mamamayan. Isinilang ito sa sama-samang paglaban ng mga komunidad ng Kalinga, Bontok, at buong Kordilyera laban sa pandarambong at pambansang pang-aapi. Ito ang araw na nagpapaalala na ang mga demokratikong karapatan ay hindi ipinagkakaloob ng estado kundi ipinaglalaban ng mamamayan.

Mahigit tatlong dekada matapos ang Executive Order No. 220, nananatiling hungkag ang ipinangakong awtonomiya. Ang mga istrukturang itinayo matapos ang Mt. Data Sipat ay hindi nagbunga ng tunay na sariling pagpapasya kundi naging bahagi ng kontra-insurhensya at paghahati sa mamamayan. Hanggang ngayon, nananatiling nasa kamay ng pambansang estado ang kapangyarihan habang ang karapatan ng mga katutubo ay patuloy na isinasantabi.

Pinatutunayan ito ng kalagayan ng Kalinga. Ang lupaing minsang ipinagtanggol laban sa Chico Dam ay muling hinaharap ang banta ng malawakang pagmimina, mga mapangwasak na proyektong dam, pang-aagaw sa lupaing ninuno, at militarisasyon ng mga komunidad. Habang kinikilala sa salita ang kultura ng mga katutubo, patuloy namang ipinagkakait ang kanilang karapatan sa sariling pagpapasya upang bigyang-daan ang interes ng malalaking dayuhang korporasyon, lokal na naghaharing uri, at burukratang kapitalista. Ito ang kongkretong mukha ng pambansang pang-aapi sa Kordilyera.

Sa kasalukuyan, patuloy na kinakaharap ng Kalinga ang samu't saring anyo ng development aggression. Kabilang dito ang operasyon ng Makilala Mining Company, Inc. at FCF Minerals Corporation sa Brgy. Balatoc, Pasil, ang mapangwasak na Saltan River Dam Projects sa munisipyo ng Pinukpuk at Balbalan, at ang mga proyektong road widening sa Tabuk na nagdudulot ng pagkaputol ng daan-daang puno. Sa ngalan ng kaunlaran, ipinapataw ang mga proyektong ito nang hindi tunay na kinikilala ang karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupaing ninuno at sariling pagpapasya. Hindi ito hiwa-hiwalay na mga usapin kundi magkakaugnay na manipestasyon ng pambansang pang-aapi at pandarambong sa likas na yaman ng Kalinga, na pangunahing nagsisilbi sa interes ng malalaking korporasyon at dayuhang kapital sa halip na sa kapakanan ng mamamayan.

Dahil dito, hindi maibibigay ng Kongreso, ng Executive Order No. 220, o ng mga tradisyunal na pulitiko ang tunay na rehiyonal na awtonomiya. Ang awtonomiyang nananatili sa balangkas ng malakolonyal at malapyudal na lipunan ay mananatiling hungkag. Ang tunay na awtonomiya ay nangangahulugan ng ganap na pagkilala sa karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupaing ninuno, kultura, likas na yaman, at sariling pagpapasya. Makakamit lamang ito sa pamamagitan ng pambansa-demokratikong pakikibaka laban sa imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo—ang mga ugat ng pambansang pang-aapi at pagsasamantala sa Kordilyera at sa buong bansa.

Kaya't nananawagan kami sa kabataang-estudyante, manggagawa, magsasaka, mga katutubong mamamayan, at lahat ng demokratikong pwersa sa Kalinga at buong Kordilyera: ipagpatuloy ang diwa ng Chico River resistance. Tutulan ang huwad na Kordilyera Day ng Hulyo 15. Labanan ang pagmimina, mapangwasak na mga dam, militarisasyon, at lahat ng anyo ng pambansang pang-aapi. Magkaisa at mag-organisa upang isulong ang tunay na awtonomiya, sariling pagpapasya, at pambansang kalayaan.



12/07/2026
Pag-aaral hinggil sa Reyalidad ng Migrasyong Pilipino sa araw ng pahinga bago dumalo sa ika-32 anibersaryo ng AMWWA.
12/07/2026

Pag-aaral hinggil sa Reyalidad ng Migrasyong Pilipino sa araw ng pahinga bago dumalo sa ika-32 anibersaryo ng AMWWA.

Address

Hong Kong

Telephone

+85292470392

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinatud A Saleng ti Umili posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share