11/05/2023
Devotion for today😊
EFESO 4:26
Kung magagalit man kayo, IWASAN ninyo ang kayo'y MAGKASALA.Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit parin kayo.
~•~
Yes, normal naman talaga satin ang makadama ng galit.PERO,hindi ibig sabihin na ayos nang pairalin natin ang galit natin.
--Ang galit ay isang matinding emosyon na nararamdaman natin na magu-udyok satin na makagawa ng kasalanan.
AT ALAM MO BA?
na ang pagtatanim ng galit sa kapwa mo ay para mo na rin syang pinatay?
(Matthew 5:21-22).
*But bago natin pairalin ang galit natin
isipin muna natin ang mga tanong na 'to;
-Ano ang dahilan ng galit mo?(kung mababaw lang naman baka maari mo pang makontrol ang sarili mo bago ka makagawa ng hakbang na pagsisisihan mo)
-May karapatan nga ba tayong magalit sa kanya?(Isipin natin,tayo ngang nagkakasala lagi Kay God pero mahal parin nya tayo at patuloy na nabubuhay pa tayo ngayon kahit deserve natin mamatay dahil sa sin natin)
-Bakit Hindi nalang natin patawarin?(Kung nais nating mapatawad sa pagkakasala natin, patawarin rin natin ang nagkasala satin.)
-Tama bang isisi natin sa taong yun ang dahilan kung bakit tayo nagalit at nakagawa tayo ng kasalanan? (ganito kasi yan, Hindi ka makakagawa ng kasalanan kung di ka nagalit diba?PERO kung KUNTROLADO mo ang SARILI MO,Hindi ka sana nagalit sa taong yun at di ka sana makakagawa ng pagkakasala.)
•/Mga kapatid,ang GALIT ay HINDI NAKAKABUTI satin kahit kailan. \•
-Sino ang nahihirapan pag may galit tayong dinadala?Hindi ba't tayo lang naman?.
-Sinong naapektuhan kapag pinapairal natin ang galit natin?Hindi ba't tayo rin lang naman ang nakakagawa ng masama at nadadamay pa ang nga mahal natin sa buhay?
KAYA Bago tayo magalit, bago natin pairalin ang emosyon natin, isipin muna natin kung malulugod ba ang Panginoon sa gagawin natin?
Alisin na sana natin ang p**t at galit sa nga puso natin, i-surrender na natin 'to Kay God at hayaan sya nito dahil ANG DIYOS NATIN AY MAKATARUNGAN