05/09/2025                                                                            
                                    
                                    
                                                                        
                                        Lahat tayo may habits. Some make us productive at meron namang mga humihila sa atin pababa. Ang madalas na mali natin ay iniisip na kaya nating burahin ang bad habits sa pamamagitan ng sheer willpower. But that is not the case. Habits do not disappear, they only get replaced.
Watch for the Loop
Bawat habit may pattern. May cue, may routine, may reward. Halimbawa, na stress ka, nagsindi ka ng yosi, gumaan ang pakiramdam mo. That is the loop. Kung gusto mong magbago, huwag mong sirain ang loop, baguhin mo lang ang routine. Same cue, same reward, bagong routine. Instead of smoking, maglakad lakad ka sa labas para sa magpahangin o di kaya ay uminom ng something na malamig na may straw. Same relief, pero mas healthy.
Palitan, huwag labanan.
The more na nilalabanan mo ang bad habit, mas lalo siyang kumakapit. Kaya ang sagot is substitution. Kung dalawang oras kang nagti TikTok gabi gabi, palitan mo ng sampung minutong pagbabasa. Hindi agad mawawala, pero unti unti, hanggang maging natural na at habit mo na ito.
Gawin mong simple.
Do things na hindi mo kailangan pag isipan, find something that can become automatic. Halimbawa instead na softdrinks ay tubig agad ang inumin mo.
Start small.
Walang overnight change. Start with micro wins. Two minutes na meditation, one page na binasa, isang baso ng tubig imbes na softdrinks. Maliit pero tuloy tuloy. Days turn into weeks, weeks into months, hanggang makita mong naiba na ang sistema mo.
Ayusin ang paligid.
Disiplina is overrated. Environment beats willpower. Kung junk food ang nasa harap mo, kakainin mo yan. Pero kung tubig at fruits ang nakahanda, yun ang pipiliin mo. Make the good choice obvious, make the bad choice invisible.
I reward ang sarili.
Celebrate small wins. Kahit maliit, bilangin mo. Journal it, share it, smile about it. The brain repeats what feels good. At kung pumalpak ka, huwag kang mag guilt trip. Guilt traps you, kindness frees you.
Changing your habits is a long game.
Studies show na yung mga tao na nagiipon ng healthy habits tulad ng exercise, tamang tulog, at masustansyang pagkain, mas humahaba at healthier ang buhay. Hindi lang katawan, pati utak. Mas konti ang risk ng diabetes, cancer, memory loss. One habit is never just one habit. Domino effect yan.
At ito ang totoo. Hindi ka basta titigil kung sino ka ngayon. You can only become someone else by building the system that carries you there. Hindi kailangang big steps agad. Isang maliit na habit, isang bagong routine, isang araw na hindi ka bumigay sa bad habit, that's a win.
Habits are not chains. They are choices. At ikaw ang pumipili kung anong kwento ang isasabuhay mo araw araw.
P.S. Samahan mo na rin ng healthy drink tulad ng Best Barley ;)