Laveraveron

Laveraveron ©Life in today's world, motivation
© daily life

Have a good day everyone♥️
30/10/2025

Have a good day everyone♥️

29/10/2025

Mahirap na uli kumain ng baon sa labas kasi tag lamig na. Kaya ang baon ko ay mga pag kain na pede kainin habang nag tatrabaho

Iba talaga kapag nakaka higop ng mainit na sabaw
28/10/2025

Iba talaga kapag nakaka higop ng mainit na sabaw

28/10/2025

Ayan ginutom ako sa pagod, sumakit buong katawan ko sa 1st day ng trabaho ko linis to the max talaga ang ginawa ko dahil super dumi

27/10/2025

Almost 1 month ako hindi nakapag trabaho ano kaya ang aaburan ko sa mga amo ko ngayon

26/10/2025

Nag luto ako ng ang lambot ng pagkakaluto ko, kapag winter ganyang menu ang mga kinakain dito sa italy, every season may mga specific menu.

25/10/2025

Hinihintay na ako ng mga amo ko, maswerte parin ako kahit paano yung mga extra work ko hindi nag hanap ng iba sa loob ng 1 month na wala ako. Siguradong mapapasabak na uli ako.

📍Unti unti na ako nasusunog📍📍Medicine -induced toxic epidermolysis📍ang findingsafter ko pumunta sa emergency dahil sa si...
24/10/2025

📍Unti unti na ako nasusunog📍
📍Medicine -induced toxic epidermolysis📍ang findings
after ko pumunta sa emergency dahil sa simpleng butlig one day lang ako nag stay sa bahay pag gising ko kinabukasan hindi ko na maibuka ang bibig ko dahil unti unti na nasunog mga labi ko kaya itinakbo na uli ako sa emergency pagka hubad ko nakita ng mga nurse na buong likod ko sunog na at may mga lapnos na hindi nako makapag salita at nghihina na ako pag dating sa hospital agad kinunan nila ako ng test sa dugo, examin sa mga liquid na kinuha sa mga nalalapnos ko na balat at nag biopsy sila ng paman ko, Kailangang i monitor ang baga ko lalamanunan at mata ko dahil baka biglang bumagsak ang katawan ko at ma apektuhan ang mg internal organ ko.. every hour pakalat ng pakalat sa katawan ko ang lapnos kaya nag decide sila na ilipat ako sa isa sa pinakamalaki at magaling na hospital dito sa Milan, at para maka siguro sila kailangang ulitin ang mga test. Wala akong kain at inom mg tubig dahil kailangan nila malaman saan nag mula bkit.. nasusunog ang skin ko at dahil ko nakikita ang likod at katawan ko dahil binalot nila ako sa gasa hindi ko alam na ganun pala ka grabe ang pinsala sa katawan ko.
Salamat sa Niguarda hospital dahil mabilis nila ako napagaling at napatuyo ang mga nasunog na skin ko medyo matatagalan bago bumalik sa dati 🙏 salamat sa diyos at magaling na ako🙏

23/10/2025

Pwede na ako maligo sabi ng doctor tuyo na ang mga sugat ko

PART3📍from Sept. 26 na pumunta ako ng emergency hindi gumana ang gamot na binigay sa akin para sa bibig na halos matapya...
22/10/2025

PART3📍from Sept. 26 na pumunta ako ng emergency hindi gumana ang gamot na binigay sa akin para sa bibig na halos matapyas ang mga dila ko. OCT 2🙏 thursday nasa trabaho ako napansin ko na nilabasan ako ng mga butlig una sa dibdib kaya nag decide ako na umuwi ng maaga hindi ko inisip na allergy ako sa food kasi halos 1 week na puro milk lang ang iniinom ko kasi hindi ako makakain. Habang nasa byahe ako napansin ko na mapula ang left eye ko kaya the same day nag message ako sa mga amo ko na pang friday na hindi ako papasok kasi baka kako mahawa sila if ever na hindi allergy eto Pag karating ko sa bahay pag palit ko ng damit nakita ko ang likod ko na punong puno na pala sya ng butlig hindi ko naramdaman dahil hindi naman sya makati sa unang labas ng mga butlig friday ng hapon nag decide ako bumalik sa emergency para patingnan ng mga butlig at dermatites ang findings kaya binigyan lang ako ng pang anti allergy at the same day nag pa appointment ako sa dermatology.. friday at Sat. Nasa bahay lang ako dahil sa mga butlig ko
To be continue..........

21/10/2025

Hindi ko maiwasang mag ka phobia kapag may konteng kakaiba sa bibig ko natatakot na agad ako pakiramdam ko mauulit na uli ung ngyari sa akin dati

PART 2📍Sept. 24😥 nag simula na akong labasan ng mga singaw after mamaga ng mga labi ko na ang buong akala ko ay simpleng...
20/10/2025

PART 2📍
Sept. 24😥 nag simula na akong labasan ng mga singaw after mamaga ng mga labi ko na ang buong akala ko ay simpleng singaw na kadalasang nararanasan natin hanggang sa makita ko na ang mga dila ko ay parang may mga tapyas sa gilid at dito na ako nag simulang mag suffer hindi na ako makakain,, kahit mag blend ako ng gulay hindi ko kayang padaanin sa bibig ko ultimong water hindi ko kaya inumin para lang magkalaman ang tiyan ko gatas na malamig at dinurog na biscuits na tinutunaw ko sa gatas ang kinakain ko.. dahil hindi ko na kaya 📍Sept.26 😭pumunta ako sa emergency para patingnan ang singaw ko,binigyan ako ng gamot para sa singaw at oral gel for 5 days lumilipas ang araw pasakit ng pasakit. Pinipilit ko paring mag work dahil alam ko na may obligasyon ako para sa mga anak ko. Nag sabi ako sa mga amo ko na papasok ako pero wag nila ako kakausapin dhil dko kaya mag salita at naka close lang ang bibig ko kasi konteng buka o galaw lang super sakit talaga.

Indirizzo

Cornaredo

Telefono

+393341950132

Sito Web

Notifiche

Lasciando la tua email puoi essere il primo a sapere quando Laveraveron pubblica notizie e promozioni. Il tuo indirizzo email non verrà utilizzato per nessun altro scopo e potrai annullare l'iscrizione in qualsiasi momento.

Contatta L'azienda

Invia un messaggio a Laveraveron:

Condividi