
03/10/2025
Emegeeeddd! Ako mismo di makapaniwalang darating sa ganitong level ng minimalism🤣. Sa mga nakapunta na sa aming munting hawla,alam nila na madaming abubot at anik-anik dito noon (bago mag-pandemic).
Covid season alone taught me a LOT of lessons. That spending on and keeping unnecessary material things aren’t really worth it and fundamental in life. Natuto ako not to rely and expect too much from people too,kay God lang dapat…and that I am responsible for my own happiness.
Habang tumatanda talaga nag-iiba na ang point of views natin sa buhay no. Sa mga nangyayaring kabilaang trahedya en eberiting,mapapaisip ka din talaga kung “ano ba ang importante sa buhay”…
Ewan pero di (na) talaga ako nae-excite sa mga materyal na bagay. Mas gusto ko nalang mag-spend ng quality (& quantity) time at pera sa mga experiences lalo with loved ones at pagkain syempre eheh…feeling ko din waste of time na mag-invest ng time,efforts & emotions sa mga shallow & fake connections.
Hindi na rin ako naghahangad ng sobrang yaman. Basta healthy kami,ma-provide lang mga necessities lalo ng kids ko at makain mga cravings na lafang sobra-sobra-sooobrang grateful na kay Lord.