22/12/2025
KMC News Flash
《December 22, 2025》
☆BALITANG SHOWBIZ #2
TOM, KINABUWISITAN
Husay ni Tom Rodriguez sa pelikulang UnMarry bilang isang gagong mister na character ni Angelica Panganiban.
Bagay na bagay sa kanya ang role.
At andun siya sa premiere night nito.
May pelikula rin sa Metro Manila Film Festival 2025 si Carla Abellana.
Pero hindi naganap ang inabangan ng fans. Hindi sila nagkita sa Parade of Stars kaya naman hoping ang iba na magko-cross ang landas ng dating mag-asawa sa Gabi Ng Parangal na gaganapin sa Dec. 27, Sabado.
Kabilang sa mga bida sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins si Carla.
At sa UnMarry nagkaroon ng chance ang ilang writer na tanungin si Tom tungkol kay Carla.
“Basta sa akin, I just showed up, I did my work, I try to be professional as possible. Wala akong alam sa nangyari. I just go when I’m told!” sabi niya.
Naunang dumating si Carla habang nagpa-late si Tom kaya naman hindi nga sila nagkita.
Akala pa nga ng iba, hindi na dumating si Tom sa nasabing Parada.
Anyway, talagang kakamuhian mo si Tom sa UnMarry.
‘Kaloka ang expression sa mga eksena nila ni Angelica na isang manipulative na mister.
“I’m just lucky to be part of this. Dalang-dalang ako sa mga eksena,” pag-amin ng actor.
Pero inasahan na raw niya ang reaction ng mga manonood sa pelikula: “Sobra, kahit ako nabubuwisit. Sa shooting pa lang, nakakainis na talaga ako. When I read the script, alam ko na ganun ang magiging tingin sa akin,” pahayag
niya.
SOURCE:
Husay ni Tom Rodriguez sa pelikulang UnMarry bilang isang gagong mister na character ni Angelica Panganiban.