12/03/2025
--ISANG PATIBONG NI DUTERTE ANG KANYANG PAG-SAMA SA NETHERLANDS AT NAHULOG ANG PNP AT MARCOS ADMINISTRATION?--
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na matagal nang matalas ang pananaw ni dating Pangulong Rodrigo Rody Duterte pagdating sa larangan ng pulitika at estratehiya.
At sa nangyari kahapon—kung saan siya ay agad na dinala sa Netherlands nang hindi dumaan sa tamang proseso—tila malinaw na nagtagumpay siya sa isang napakaingat na bitag laban sa kasalukuyang administrasyon at sa Philippine National Police (PNP).
-👉Ang Paglabag sa Rome Statute at ang "Poisonous Tree"--
Isa sa pinakamahalagang aspeto ng batas sa International Criminal Court (ICC) ay ang pagsunod sa Article 59(3) ng Rome Statute, na nagsasaad na ang sinumang inaresto ay may karapatan munang dumaan sa korte ng kanilang sariling bansa para sa interim release o pansamantalang paglaya habang inaayos ang proseso ng pagsuko.
Ang competent authority sa kasong ito ay ang hukuman Supreme Court PH ng Pilipinas, at ang custodial state ay ang Pilipinas din. Ngunit ano ang nangyari? Diretsong dinala si Duterte sa Netherlands nang hindi man lang dumaan sa tamang proseso.
Ito ay isang malinaw na paglabag sa batas ng ICC mismo. Ibig sabihin, anumang kasunod na hakbang—mula sa paglilitis hanggang sa anumang hatol—ay maituturing na “fruits of a poisonous tree.” Sa madaling salita, kung ang mismong pagkakaaresto ay may depekto, lahat ng ebidensyang susunod ay maaaring ibasura.
👉Ang Pakana ni Duterte: Bakit Hinayaan Niyang Mangyari Ito?
Maraming nagtatanong: Bakit hindi lumaban si Duterte? Bakit tila tanggap niya ang nangyari?
Ang sagot ay makikita sa mismong mga salitang kanyang binitiwan:
👏👏👏> "Naiintindihan ko mga 'yan dahil trabaho nila ito. This is why it has come to an end."👏👏👏👏
Isang pahayag na puno ng kahulugan. Ipinapakita nito na alam niyang darating ito at hinayaan niya ito mangyari—hindi dahil wala siyang magawa, kundi dahil gusto niyang ilagay sa alanganin ang PNP, ang ICC, at ang adm