
14/09/2025
Ngayong araw, tuluyan na naming inihatid sa kanyang huling hantungan si Papa Boying. 🕊️💔
Napakabigat sa aming puso ang pamamaalam, ngunit nakahanap kami ng lakas sa inyo—sa mga dasal, yakap, at suporta ng mga mahal naming kaibigan, kamag-anak, at mga kapitbahay na tumulong at nakiramay mula sa lamay hanggang sa libing.
Lubos ang aming pasasalamat sa bawat isa na dumamay, nagbahagi ng oras, nag-alay ng panalangin, at naging kasama namin sa mga pinakamasakit na sandaling ito. Ang inyong presensya ay nagsilbing lakas at liwanag para sa aming pamilya.
Habang kami’y nagpapaalam kay Papa Boying, baon-baon namin ang kanyang mga alaala, punô ng pagmamahal, at mga aral na iniwan niya. Alam namin na nasa mabuting kamay na siya ngayon at mananatili siyang buhay sa aming mga puso at alaala.
Maraming salamat muli sa lahat. 🙏
Mahal ka namin, Pa. Hanggang sa muli nating pagkikita. 🤍