28/11/2025
𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁 𝘀𝗵𝗶f𝘁 𝗶𝗻 𝗝𝗮𝗽𝗮𝗻‼️
Kung isa ka sa mga nangangarap magtrabaho sa Japan under nursing care sector, marahil dapat mong malaman ito.
Kung sa Pinas ay nagnanight shift tayo ng 8–12 hours, dito sa Japan may mga shift na umaabot ng 18 hours, may kasama nga lang na 2-hour break. Noong dumating ako sa Japan, di ko talaga inisip na ganito pala yon. Pero since nakita ko na kinaya ng mga nauna sa akin, sabi ko sa sarili ko, “𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗮𝗸𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶?”
Yes, nakakapagod. Minsan napapaisip talaga ako… tama pa ba ‘to? Na para bang robot ba ako⁉️🤪
At oo, totoo naman mas mahaba ang shift, mas malaki ang kita. Minsan ’yan pa ang dahilan kung bakit kahit gusto mo nang sumuko, pinipilit mo pa rin. Kasi iniisip mo, “𝗦𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗻.” Pero habang tumatagal, mapapaisip ka rin kung worth it pa ba ’yung kapalit… oras para sa sarili mo, pahinga, mental health mo. Napapaisip ako kung paano nakaya ng mga kasama kong hapon ang ganito sa loob ng 10 years na pagtatrabaho nila sa kaigo.
May mga gabi na sasabihin ko sa sarili ko, “𝗔𝘆𝗼𝗸𝗼 𝗻𝗮. 𝗣𝗮𝗴𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼”. Pero kinabukasan, eto na naman ako gigising, papasok, at uulitin lahat. Hindi ko alam kung resilience ba ’to o survival mode lang talaga.😅
For now, isang shift at a time. At kung darating man yung araw na sabihin ko sa self ko na “𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔, 𝘀𝗼𝗯𝗿𝗮 𝗻𝗮, 𝘁𝗮𝗼 𝗸𝗮,”🤪 sana may lakas din ako para sundin ’yon.