17/05/2020
ENTRY #6
Name: Yezhaina Protacio
Age: 15
Message: Hi, Somer SH, sana mas magtagal pa kayo, and ma-solve niyo lahat ng problems na dadating sa inyo. Be strong always, treat each other like a real family. Happy Monthsary!
"MAGKAKAPATID—NGUNIT HINDI SA DUGO"
Puti't itim,
inikot ang paningin,
iginalaw ang katawan,
saan patutungo?
Umikot muli,
piniling salubungin
ang liwanag
at talikuran ang kadiliman.
Pumasok sa pintong hindi mo alam
kung saan ang destinasyon,
sinubukang magtanong
ngunit kanilang sagot
ay ngiti.
Napuno ng pagtataka
ang isipan,
yaring pinto'y nagsara—
hindi alam kung makababalik pa ba.
Nang mapagod ay umupo,
naihilamos ang palad,
may kumalabit—
oh, isang binibini.
Siya'y nagtanong kung may pamilya ka ba,
nangunot ang noo't sumagot,
"Oo naman, mayroon."
"Hindi sa tunay na buhay. Dito sa pekeng mundo."
Kan'yang sagot,
labis akong nagtaka,
sinagot n'ya ito,
"Kung iyong gusto
na malaman. Sumama ka
sa akin at magiging miyembro
ka na ng pamilyang aking kinabibilangan."
Masaya nilang ngiti'y
bumungad sa amin.
Kumikinang na mata
na animo'y punung-puno
ng pag-asa ay iyong matutunghayan.
Tila kay sarap naman mapabilang dito.
Lumipas ang araw at buwan,
naging masaya ako sa piling nila,
hindi na gustong iwan pa sila.
Problema'y naaayos,
ang pagkabigo, lungkot, sakit
ay pinaghaluan namin.
Tinulungan ang isa't isa
na palayain ang masasakit
na memoryang nanatili
sa isipan.
Binigyan ng pag-asa
ng pamilyang tinanggap
ako, at tinanggap ko.
Nakatutuwa 'pagkat hindi kami magkaka-dugo,
ngunit aming isipa'y konektado.
Ligayang inaasam ay aking natagpuan sa kanila.
"Tayo'y magkakapatid hindi sa dugo—ngunit magkakapatid dahil sa pinagsaluhang problema't saya."
Sabay-sabay naming ani
nang magkita-kita kami,
iba ang kasiyahang dulot
nito!
Salamat sa pekeng mundo
na binigyan silang puwang
para sa puso ko.