08/09/2025
Tokyo Metro, magbibigay ng 315 LAPAD sa gustong mag-aral abroad
Ayon sa news na ito, naglabas ng pahayag ang governor ng Tokyo Metropolitan na magbibigay sila ng financial support para sa mga university student na gustong mag-ryugaku or mag-aral abroad.
Ang support na ibibigay nila ay 90 lapad para sa tuition fee, then travel expenses at pati ang living expenses na aabot in total sa mahigit 315 LAPAD.
Ang applicant ay dapat na resident ng Tokyo, university student na below 30 yrs old ang age, at may planong mag-aral abroad for a period of more than 4 weeks to 1 year.
Nais nilang mabigyan ng support ang 500 applicants in shor term study period at 100 applicant for long term study period. Ang application ay maaaring mag-start daw ng December this year.
NOTE: We offer document translation (Tagalog, English, Nihongo), document creation (SPA, Affidavit, etc.), and application form printing. Send us a private message here if you need it.