17/09/2026
Umabot ng ¥920,430 or 371,000 sa peso ang hospital bill ni bella sa hospital last admit nya in just two weeks na pagstay nya...
Alam nyo mga mii… kung hindi sakop ng insurance ang hospitalization ni Bella at lahat ng needs niya baka baon na baon na kami sa utang kung every month kailangan niyang ma-admit. 🥺
Kaya kahit ang daming pagod..takot at challenges na kasama sa journey namin sobrang thankful pa rin kami na may support at insurance na tumutulong sa medical needs ni Bella.
Hindi namin alam kung saan kami kukuha ng lakas pati kung paano namin kakayanin ang gastos kung kami lahat ang sasagot.
Kaya sa bawat hospital stay, bawat treatment, bawat pangangailangan ni Bella thank You Lord at hindi Mo kami pinabayaan. ❤️
Hindi man madali ang journey namin bilang parents ng special needs child, mas gumagaan kahit papaano kapag alam mong may tulong at suporta kang masasandalan. 🙏🏻
Kaya thank you Japan talaga. 🇯🇵❤️
Tingnan nyo itong example ng total bill ng hospital stay ni Bella sa 2 weeks na admission niya noong last time.
¥920,430 ang total.
Around ₱371,000 kapag kino-convert sa peso.
pero ang binabayaran namin zero palagi as in wala🥹
Eh kung monthly siyang naka-admit, saan namin kukunin yung ganito kalaking pera kung hindi ito sakop ng health insurance? 😭
At admission pa lang yan hindi pa kasama yung mga gamot, therapy, intake food at allowance nya monthly na sobrang laking tulong talaga sa amin..
Kaya sobrang grateful talaga kami sa healthcare support na meron dito sa Japan. Hindi man namin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw, malaking bagay na hindi namin kailangang harapin mag-isa pati yung ganitong kalaking gastusin.
Thank you, Japan. ❤️🇯🇵
Sana sa pinas din kahit alam kong imposible pero sana sana sana talaga..
makaranas ng ganitong health system at support mga mamayan sa pinas🥹