24/10/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Not to brag but to inspire!
Sipag lang…
  
  
 
                                         
                                    
                                                                        
                                        ✨Dati, wala akong hilig mag-post sa Fac€book. Nahihiya pa ako noon kasi baka may manaway lang. Hindi rin talaga ako sanay humarap sa maraming tao o sa camera. 📸
Naalala ko pa, noong nag-aaral pa ako ng Japanese language bilang paghahanda sa pagte-training sa Japan — grabe! Tuwing nasa harap ako at magji-jikoshoukai (magpapakilala sa sarili sa Japanese), sobrang nanginginig ako sa kaba! 🤣
Dahil nga sa sobrang pagkamahiyain ko noon, ginawa ko itong motivation para maging matatag at mapaglabanan ang hiya ko. Tapos napansin ko rin ‘yung mga vloggers na nagpo-post ng kung anu-ano sa FB, Y0uTub€, at iba pa.
Hanggang sa isang araw, nalaman ko na kumik!ta pala sila sa pagiging cont€nt creator! Napa-wow 😮 talaga ako. Nakikita ko rin ‘yung iba — nakakapagpagawa na ng bahay, nakakabili ng sasakyan, nakakapagpaaral ng mga anak, at nakakapamasyal pa sa iba’t ibang bansa dahil sa k!ta nila sa pagpo-post. Sobrang nakaka-inspire!
Kaya naman, napaisip ako noon at tinanong ko ang sarili ko:
"KAYA KO DIN KAYA ‘YON? 🤔"
Iyon ang malaking tanong ko sa sarili ko, kasi alam ko kung gaano ako kahiyain. Kaya sabi ko na lang, "Parang ‘di ko yata kaya."
Pero nilakasan ko ang loob ko! 💪
Doon nagsimula ang lahat — ginawa kong lakas ang dati kong kahinaan. Nauna akong pumasok sa Y0uTub€, at hanggang ngayon andoon pa rin ‘yung mga old v!deos ko. Minsan pinapanood ko ulit at natatawa ako sa sarili ko, kasi kahit maliliit na bagay, kinukuhanan ko ng video. 😂
Pagkatapos noon, nakita ko naman sa Fac€book na uso na rin ang pag-upload ng kung anu-ano. Sakto pa noong kasagsagan ng malalaking k!ta, kaya sumubok din ako. Noong 2023, sinimulan ko ang FB page ko.
Naalala ko pa, dati tuwang-tuwa na ako kapag naka-100 views lang! Sa isang linggo, masaya na ako kapag nakapag-upload ng dalawang beses. Unti-unti, dumami ang followers ko. Sinipagan ko pa lalo — hanggang sa nagkaroon na ako ng bashers!
Noong una, apektado ako kasi nakikita at nababasa rin ng mga kakilala ko. Pero na-realize ko, sila rin pala ang tumutulong sa engagement ng page ko. Kaya hinayaan ko na lang, at mas lalo ko pang ginalingan. 💪
Kaya ayun — lumago ang page ko hanggang ngayon!
Kaya kapag may mga l!ve, dumadaan talaga ako at sumusuporta, maliit man o malaking content creator. Mas maganda nga minsan sa maliliit ka sumali kasi mas napapansin ka agad.
Tandaan: kapag may problema, isipin mo na pagsubok lang ‘yan — at lahat ng problema, may solusyon.
Kaya NEVER GIVE UP!
So ayan ha! 😄
Wag kang susuko — ituloy mo lang ‘yang sinimulan mo. Itago mo muna ang hiya, dahil sa bawat pagsisikap natin dito sa mundo ni M€TA, may katumbas ‘yang kasaganaan sa buhay.
Sana ma-inspire kayo sa maikli kong kwento. Hehehe! 😂