13/11/2025
MAINIT NA USAPING ITO!!!
Let me share our own opinion regarding of this! 🙏
As a Filipino living here in Japan for almost 10yrs! Ngayon lang ako nakakita na umakyat sa vending machine para lang sa prenup picture nila! Sabihin na natin may mga gumawa ng ganyan na iba! Eh Bakit ginawa niyo rin?! Mainit ang mata ng mga hapon ngayon sa mga foreigner dito sa Japan . Ibat-ibang case na kasi ang ginagawa ng ibang mga dayuhan dito sa Japan , kasama na rin ang ibang mga vlogger na tourist lang katulad nila kiray. Yan ngayon ang pinag-iisipan ng mga bagong official ng new prime minister dito sa Japan. Kaya hinde ko masisisi ang ibang kababayan natin kung mag commento sila tungkol sa usapin na ito. Dahil Kami ang andito sa bansang ito, nag-iingat lang din kaming mga pinoy na madamay sa mga kalokohan ng ibang pinoy. Dahil yung iba dito ay nagsisimula palang ng buhay nila at pakikipagsapalaran nila dito sa Japan . Nakataya rin ang Visa ng isang pinoy sa usaping pagbabago ng batas dito sa Japan tungkol sa mga foreigners. Kaya maingat ang mga pinoy dito ngayon pero kahit anong Ingat ng Ilang pinoy dito sa Japan , may mga kababayan parin tayong gumagawa ng hinde tama.
Sa threads at sa under dark site ng mga hapon kung anong ano na sinasabi nila tungkol kay Kiray at sa mga pilipino. “Uneducated” daw isa sa mga salitang hinde katanggap tanggap nga naman lalo na hinde lahat ng pinoy na andito sa Japan ay katulad ng sinasabi ng Ilang local gen z netizen dito sa Japan.
Kaya dito pumapasok ang usaping manner at respect na gustong sabihin ng ibang kababayan na pinoy na andito sa Japan. Kahit saang bansa ka pa pumunta kailangan mo aralin ang culture, rules at batas Nila bago ka gumawa ng isang bagay na posibleng ikakapahamak mo!
Nakapunta na rin ako sa ibang bansa noon, at naging tourist rin ako noon dito sa Japan ! Pero Inalam ko muna ang mga bagay bagay bago ang flight ko. Dahil mas maganda na yung may kaalaman tayo kahit konti para maiwasan natin ang malagay sa alanganing situation.
Sa mga pinoy na nasa pinas, at nagsasabi na inggit lang daw ang mga ibang pinoy na pumupuna sa usaping ito. Hinde niyo alam ang nangyayare dito sa ibang bansa, maging mga pinoy na nasa ibang bansa katulad ng US at Canada at iba pa na may pagbabago ang batas para sa mga foreigners. Maingat din po silang lahat sa bawat kilos nila para maiwasan ma puna at madamay ng dahil sa ginawa ng isa! Dahil karamihan sa amin ay may pamilyang tinatawag dito sa Japan o sa ibang bansa man yan. Kaya unawain nalang po natin ang ibang kababayan natin na nag lalabas ng sama ng loob ukol sa usaping ito!
Respect ✊ sa bawat isa!
Maraming Salamat po!
Kita n’yo? May permission naman pala! Kung makacomment iba kala mo alam lahat e! Kaya tigilan n’yo na si Kiray ha! 😡 Wag nyo inaaway yan! Anyway kumusta na pala yung kita mong 8M my friend CEO? Basta tandaan mo kung sino umaway sayo ako ang makakalaban!