29/10/2025
Japchae! 🤤
Matagal na akong di nakakapagluto ng jachae. kasi ang tagal nyang gawin. Sa dami ng gulay na dapat imixed, medyo ma effort syang gawin sa totoo lang.
-Short story-
Bumisita kami sa bahay ng kaibigan ni Mr.Daks na elementary teacher (Koreana sya syempre). First time namin pumunta sa bahay nya kasi kakalipat nya pa lang. Nag prepare ng pagkain yung friend ni Mr.Daks. Isa sa inihanda nya ay yung japchae. Alam nyo ba kung ano ang comment ni Mr.Daks dun sa japchae ng friend nya? ito sabi nya "Mas masarap pa mag luto ng japchae itong asawa ko kesa sayo" 😂😅. Anak ng tokwa itong si Mr.Daks, napaka harsh sa friend nya hahahaha. Pero don't worry di naman nasaktan yung friend nya kasi aminado naman talaga yun na di sya magaling magluto. Kasi work work work lang talaga yun at yung mother lang nun ang nagluluto for them , kaso nung time na bumisita kami sa bahay nila dati ay may sakit na ang mother nya kaya di na kaya makapagluto pa.
Bakit nasabi ni Mr.Daks na mas masarap pa ang gawa ko na japchae? Kasi yung napanood ko na "how to make japchae" sa youtube ay talaga namang pak na pak yung kalalabasan ng japchae na magagawa mo if susundan mo lang mga ingredients na sinabi nya. Kakaiba sya magluto ng japchae compared sa iba na napanood ko, kaya yun turo nung vlogger na yun ang sinundan ko at nagustohan ni Mr.Daks at yun na nga pinagmalaki pa sa friend nya na Koreana 😅😂.
(note : ito yung time na bago lang ako dito sa Korea nun ah, kaya wala talaga akong idea sa kung paano gawin itong japchae)
ishare ko sa inyo ang ingredients.
*Mushroom
*carrots
*onion
*spinach
(papakuluan lang ng sandali tapos lalagyan ng minced garlic, onteng salt at sesame oil. Parang side dish style lang na luto)
*egg 3pcs
*300g glass noodles (ibabad nyo muna sa water)
(Yung mga gulay ay ipriprito ng hiwa hiwalay at lalagyan ng onteng salt tapos itabi lang muna)
sauce
*Soy sauce 12tbsp
*sugar 3tbsp
*Starch syrup or mulyot (물엿) 150ml
*cooking oil 3tbsp
(ito ay pagsasama samahin lang sa kawali , pakuluin lang ng onte saka ilagay yung glass noodles at pakuluin ng 10minutes. Hahalu haluin lang din ah para di naman dumikit yung noodles sa kawali)
*beef or pork
marinate sa minced garlic, soy sauce at vinegar
, pag alam mong nanoot na yung sauce sa pork or beef then pwede na din syang iprito.
Pag napakulo na ng 10minutes yung glass noodles dun sa sauce nya. Tignan nyo kung okey na ba yung noodles, if malambot na ba para sa inyo. if feeling nyo na matigas pa din, add lang ng water pa onte onte hanggang makuha nyo yung luto ng noodles na gusto nyo. Pag okey na ang noodles patayin muna ang apoy at saka ihalo lahat ng gulay, egg at beef or pork sa noodles tapos buksan ulit ang apoy at mixed lang ng dahan dahan lahat ng ingredients tapos na saka budburan ng sesame seeds, tapos pwede ng kainin! ☺️.