23/08/2026
🎂 Dito sa Korea once lang nagkakaron ng grand celebration ang mga Korean kids, at hindi pa nila ito maaalala dahil yun ay ang kanilang 1st birthday party o tinatawag na doljanchi. Then pagkatapos ng 1st birthday na kadalasan ginaganap sa mga event halls or malalaking restaurant, hindi na yun ulit masusundan hanggang sa maging dalaga binata na sila. Dahil ang kaarawan dito sa Korea a sini-celebrate yearly na for family gatherings lang talaga na simpleng salo salo ng pamilya with cake. Unlike sa nakasanayan nating mga Pilipino o ibang lahi din na hanggat kaya natin magpa birthday party sa bahay man o sa resto, madalas sa Jollibee at Mcdo talagang ginagastusan naten. 🎉 💵
Pero dito sa Korea kapag gusto ng bata mag celebrate kasama ang mga kaibigan nya either sleep over sa bahay with pika pika or magpunta sa mga kids cafe kagaya ng celebration ng anak kong si Seojin na talagang ni request nya sa amin ng appa nya. ❤️
Nag rent kami ng party room plus kami ang sagot sa entrance fee ng mga invited guest nya. Sympre maghahanda tayo para sa food at sobrang na amazed ang mga Korean kids pati yung isang Korean mom na nag hatid ng mga anak nya sa dami ng handa ni Seojin ☺️ kasi kapag sila talaga ang mag prepared yung tamang snacks lang for kids. Samantalang ang mga multicultural kids dito sanay na sa celebration na ganito kahit tayo mga nanay nila kasi kung mag handa sa birthday naten dapat may maiwan na pang sharon 😆
Kaya isa talaga sa culture shock ko dito sa Korea yung celebration ng birthday nila, kapag bata ka pa isang beses lang sila paghahandaan ng bongga na may maraming invited guest then ang susunod na kapag mag edad kana ng 60 or 70 😊
Napagbigyan ko na ang birthday request ni Seojin na makasama makalaro ang classmates and korphil friends nya sa kanyang kaarawan. Talagang nag enjoy ang mga bata sa paglalaro sa kids cafe. Nakakabutas lang ng bulsa! 😆