11/07/2025
Dear Mami Lee,
matagal ko ng gustong magrant pero ngayon lng talaga ako napuno dahil sa isang costumer na not once, not twice, pero ilang beses na parang ayaw magbayad ng mga items na kinukuha niya sakin. ๐ Nastrestress na ako at natetest na talaga ang aking kabaitan HAHAAHHA charr. nung unang beses, akala ko, nagmamagandang loob lng siya na tulungan ako na iresell ang aking mga crochet products, kaya ang eabab na to, nagtiwala agad at binigay ko ung mga orders kunno sa kanya na sabi niya icashg niya nalng daw ung bayad. pero miehh, one week, two weeks, nagdaan na isang buwan, ayaw na ko replyan, sabi ng kalooblooban ko, hayaan ko na lng pero luging lugi na ko dun ๐ญ worth 500+ pa naman ung mga items. at sabi ko na nga sa sarili ko na di ko na siya papansinin pag magchachat ulit. pero mieh HAHAAHH nagchat na naman, nagtatanong ng mga bouquets ko nung valentines, hinayaan ko na namn at inentertain. hays grabe ang 8080 ko na nun, parang desperada ako palitan impression sa kanya HAHAAHH at ayun na nga mieh, akala ko oks na, pero may motive lng pala siya,, ginamit niya ung flower wrapper ng bouquets ko, pinalitan niya ng product niya. ayoko sana masamain yun kase nga binili naman niya pero parang may something na talaga siya sakin ๐, hinayaan ko na namn without asking ung about sa past na di pa siya nagbabayad.. nasundan pa un ng mga items na bibilhin niya kunno sakin. kailangan siyang lagi kulitin para magbayad. Hanggang sa ngayon nga mieh, may item na naman siya na kinuha sakin, sabi na babayadan daw nlng niya through cashg pero hanggang ngayon waley pa din. Di ko alam kung bat ganito lagi niya ginagawa sakin. pinagtritripan lng ba niya ako o pinagmumukhang tanga porke alam niya na di ko siya dineretso sa unang issue ko sa kanya. pa advice mieh, ano dapat ko gawin? HAHAHHAHA nagtitimpi lng ako magchat sa kanya at iconfront na sana mahiya naman siya ng konti sa ginagawa niya kase seller din namn siya. ayoko lng magkaissue kase baka baliktadin niya kwento ako pa magmunukhang masama sa pagsingil sa kanya ๐๐
may mga gusto pa po akong idagdag mami,, para mas maintindihan san nanggagaling tong rant ko haha,, nung unang beses po kase niya kinuha ung mga crochet products na ireresell niya, she posted pictures of my crochet products without my consent, nabigla nalng ako nung nakita ko. pero hinayaan ko nalng. until nga po, may mga nagpm sa kanya na mag oorder daw kaya sakin niya kinuha ung mga items. Ang mali niya, di niya pinatungan ung price ko para may commission siya sa part niya, at ang hiningi niya is freebies nalang daw na headbands,.medyo off na sakin ung ganung request pero since unang inisip ko nga po is makabenta, nagyes nalng ako. siya pa pumili ng freebies niya.. after ko ibigay ung mga items, kampante nako na after niya maideliver, may bayad na siya na ibibigay kase magkalapit lng nmn ng bahay ung pinagtatambayan niya dito samin. kaso ayun nga mieh, ๐ฅฒ ilang beses ko siya chinat, di na nagrereply. minsan pag nakakasalubong ko siya sa labas, tatanguan ko nlng at ngingitian. di man lng ako nakatanggap ng explanation galing sa kanya. nairant ko na po mga to sa kaibigan ko at yes, may kamali din po sa part ko na dapat laging PAYMENT FIRST pero mahirap po kase ung ganyan dito lalo na at nasa province po ako. neighbor lng din nmn siya kaya kampante ako na magbabayad kaso ayun, nauwi sa nganga hahah.
DEAR MS. K,
alam kong hindi madaling tanggapin, pero kailangang mo itong marinig nang malinaw: "Walang abusado kung walang nagpapaabuso." Ibig sabihin, may bahagi ka ring kailangang panagutan โ hindi dahil ikaw ang mali, kundi dahil pinahintulutan mong manatili sa sitwasyong hindi na tama para sa'yo.
Kung patuloy mong pinapayagan ang isang tao na samantalahin ka, o manipulahin ka, binibigyan mo siya ng kapangyarihang ulitin ang ginagawa niya. Minsan, ang katahimikan mo ay nagiging pahintulot. Kaya ngayong napagtanto mo na may mali, oras na para igiit ang sarili mong halaga.
Hindi mo kailangang makipag-away. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang lahat. Pero kailangan mong bumangon at sabihin sa sarili mo: โSapat na. Tama na.โ
Ang tunay na lakas ay nasa pagtindig para sa sarili โ kahit masakit, kahit mahirap. Kaya't ito ang huling tanong: Hanggang kailan ka magpapagamit, kung alam mong may kakayahan kang lumaya? papahintulutan mo ba ulit sya na gawin sayo yun?
i hope you learned your lesson well, :)
Nagmamahal,
MAMI LEE :)