20/09/2023
"Nagsimula sa WALA, Patungong PANGARAP!"
Tutal uso ngayon ang "One Piece: Live Action" series, pag-usapan naten si Monkey D. Luffy.
Sobrang simple ang simula ng kwento ni Luffy, pero ito ang nagpapakita kung ano ang pinagkaiba niya sa ibang pirata. Hindi siya 'yung pinakamatalino, pinakamalakas, o pinakamahusay, pero may isa siyang bagay na mas mahalaga - HINDI SIYA MARUNONG SUMUKO. Kahit na harapin pa niya ang mga napakahirap na pagsubok, hindi siya bumibitaw. Dahil sa kanyang matibay na paniniwala sa kanyang pangarap at di-matitinag na pagmamahal sa kanyang mga kaibigan.
Ngayon sa mga latest episodes ng one piece, hindi pa niya naabot ang pinaka pangarap niya pero MALAYO NA SYA SA UMPISA. Isa na sya sa mga pinakamalakas at nire-respetong pirata sa mundo ng One Piece na parang dati lang, isa lang syang batang uhugin na walang sariling barko at kasama.
Lahat ng yan ay nakamit nya dahil HINDI SIYA SUMUKO sa pagabot ng pangarap nya.
Be like Luffy 👒🏴☠️