Bilin ni Pastor

Bilin ni Pastor Guidance for real life. Wisdom for real battles. Bilin ni Pastor — every day, every step.

THE GOD WHO WRITES IN CODESAlam mo ba na ang katawan mo ay may sariling instruction manual? Ito ang tinatawag na DNA.Kun...
10/06/2026

THE GOD WHO WRITES IN CODES

Alam mo ba na ang katawan mo ay may sariling instruction manual? Ito ang tinatawag na DNA.

Kung bubuksan mo ang bawat cell sa katawan mo at pagdurugtungin ang DNA strands mo, aabot ito mula sa Mundo hanggang sa Pluto at pabalik! Ganyan kahaba at kadetalye ang impormasyon na nakasulat sa loob mo. Mula sa kulay ng mata mo, sa kulay ng balat mo, hanggang sa kung gaano kabilis tumibok ang puso mo—lahat 'yan, pre-programmed na ng Diyos bago ka pa man ipanganak.

Sabi sa Psalm 139:14, “I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well.”

Hindi ka aksidente. Hindi ka produkto ng tsamba o ng "evolution" lang. Bawat titik sa genetic code mo, binuo ng Diyos nang may matinding talino at pagmamahal. Siya ang Ultimate Scientist at Master Artist. Sobrang talino ng disenyo Niya sa'yo na kahit ang mga pinakamagagaling na eksperto sa buong mundo, kamot-ulo pa rin hanggang ngayon sa misteryo ng DNA natin.

📢 BILIN NI PASTOR:
"Kapatid, kung pinag-isipan at dinesenyo ng Diyos ang bawat microscopic detalye ng iyong DNA, tingin mo ba ay pababayaan Niya ang bukas mo? Kung ang physical body mo nga ay may perpektong blueprint, ang plano Niya pa kaya sa buhay mo? Huwag mong maliitin ang sarili mo, at huwag mong pagdudahan ang kakayahan ng Diyos. Nilikha ka Niya nang may layunin. Built-in sa DNA mo ang magtagumpay at maglingkod sa Kanya!"

08/06/2026

Panginoon naming Diyos,

Sa oras na ito, lumalapit po kami sa Inyo na may dalang takot, pag-aalala, at panalangin para sa mga kababayan namin na naapektuhan ng lindol ngayong araw.

Lord, Ikaw ang aming kanlungan at kalakasan sa oras ng kaguluhan. Nawa’y bigyan Mo ng iyong proteksyon ang bawat pamilya, bawat tahanan, at bawat komunidad na naapektuhan. Ilayo Mo po sila sa anumang kapahamakan at dagdag pang pagyanig.

Bigyan Mo po ng kapayapaan ang kanilang mga puso sa gitna ng takot. Palitan Mo ng lakas ang kanilang panghihina, at ng pag-asa ang kanilang pangamba. Sa mga nasaktan, I pray for healing and quick recovery. Sa mga nawalan, Lord, comfort them with Your loving presence.

At sa buong bansa, patuloy Mo kaming ingatan. Turuan Mo kami na sa gitna ng ganitong pangyayari, mas lalo kaming kumapit sa Inyo, dahil Ikaw lamang ang matibay na sandigan.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Today, we were blessed to share a simple yet meaningful moment with the children in Odiongan by giving school supplies.I...
07/06/2026

Today, we were blessed to share a simple yet meaningful moment with the children in Odiongan by giving school supplies.

It reminds us that giving is not only about what we hand out, but what God is doing in our hearts. A pencil, a notebook, a small gift—it may look ordinary, but in God’s Kingdom, every act of generosity matters.

We don’t give to be recognized, and not to boast, but to encourage giving and to honor God who first blessed us. We don’t give only from abundance, but from love and obedience to Him.

Every time we give, we reflect the heart of God—the One who gave us everything through Jesus Christ.

May we always be a people who don’t just receive blessings, but also become a blessing to others.

BE A FACT-CHECKER, BE A BEREANSino ba talaga ang nagsasabi ng totoo? Manood ka lang ng nangyayari sa Senado ngayon, tala...
04/06/2026

BE A FACT-CHECKER, BE A BEREAN

Sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo?

Manood ka lang ng nangyayari sa Senado ngayon, talagang sasakit ang ulo mo—bawat panig, sinasabing sila daw ang may hawak ng katotohanan. May mga hawak na dokumento, may mga testigo, at lahat sila mukhang kapani-paniwala sa kani-kanilang mga kwento.

In a world of loud opinions and twisted facts, don't follow the crowd. Be a Berean—open the Book and fact-check it.

Sabi sa Acts 17:11, binanggit ang mga Judio sa bayan ng Berea: “Now the Berean Jews were of more noble character than those in Thessalonica, for they received the message with great eagerness and examined the Scriptures every day to see if what Paul said was true.”

Isipin mo, ang nangaral sa kanila ay si Apostol Paul na—isang sikat, respetado, at matalinong lider. Pero ang mga Bereano, hindi basta-basta naniwala dahil lang sikat ang nagsalakita o dahil magaling siyang mag-paliwanag. Kinuha nila ang kanilang mga scroll, sinaliksik ang Kasulatan araw-araw, at tiningnan kung tugma ba ang naririnig nila sa orihinal na Salita ng Diyos. Sila ang orihinal na fact-checkers ng kasaysayan!

Kapatid, truth matters. Ang katotohanan ay hindi nakadepende sa kung sino ang mas malakas sumigaw, kung ano ang trending, o kung ano ang swak sa sarili mong opinyon. Ang absolute truth ay nakabatay lamang sa Salita ng Diyos. Huwag kang maging "gullible"—'yung sunod nang sunod sa agos, tanggap nang tanggap ng impormasyon nang hindi nag-iisip, at bilib nang bilib sa iba't ibang aral nang hindi naman binubuklat ang sariling Bibliya.

📢 BILIN NI PASTOR:
"Kapatid, sa mundong puno ng kanya-kanyang bersyon ng katotohanan, siguraduhin mong ang buhay mo ay nakatapak sa NAG-IISANG Katotohanan—ang Salita ng Diyos. Huwag mong i-asa ang pananampalataya mo sa naririnig mo sa paligid o sa dikta ng emosyon ng lipunan. Maging matalino. Bago ka sumigaw ng 'Amen' o maniwala sa sabi-sabi ng iba, i-fact-check mo muna kay Lord. Mas kilalanin mo ang Bibliya kaysa sa ingay ng mundo!"

PLANO O DRAWING?Aminin natin: napakagaling nating gumawa ng plano. Gabi-gabi bago matulog, ang dami nating pangarap at "...
03/06/2026

PLANO O DRAWING?

Aminin natin: napakagaling nating gumawa ng plano. Gabi-gabi bago matulog, ang dami nating pangarap at "resolutions." Sabi mo, "Bukas magsisimula na akong mag-devotion." "Bukas mag-da-diet na ako." "Next week, mag-iipon na ako at mag-aaral ng bagong skill." Ang ganda ng line-up sa utak mo, pang-world class! Pero paggising sa umaga, anyare? Naging drawing na naman.

Kapatid, hindi ka aangat, hindi ka tatalino, at hindi lalago ang faith mo sa "balak" lang. Magkaiba ang ‘Thinking’ sa ‘Trying’.

Ang thinking, madali 'yan. Walang pagod, walang gastos, at walang risk na mapahiya. Pero ang trying, 'yan ang may aksyon. Diyan ka babangon kahit tinatamad ka, diyan mo bubuksan ang Bibliya mo kahit inaantok ka pa. Sabi sa Proverbs 14:23, “All hard work brings a profit, but mere talk leads only to poverty.” Sa madaling salita: Ang gawa, may nilaga; ang puro salita at isip, nganga.

Huwag mong gawing museum ng mga naudlot na plano ang utak mo. God cannot bless a step that you refuse to take. Kung gusto mong magbago ang buhay mo ngayon 2026, itigil mo na ang pag-drawing. Subukan mo na ngayon!

📢 BILIN NI PASTOR:
Kapatid, tandaan mo ito: God cannot bless a step that you refuse to take. Hinahati lang ni Moises ang dagat nung humakbang siya. Gumuho lang ang pader ng Jericho nung umikot sila. Ang milagro ng Diyos ay laging nasa dulo ng ating pagsunod, hindi sa simula ng ating pag-iisip. Kung may pinapagawa sa'yo si Lord ngayon, huwag mo nang ipagpabukas. Subukan mo ngayon, at hayaan mong ang Diyos ang tumapos!

STOP OVERTHINKING, START OVER-PRAYINGSino dito 'yung alas-dos na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang utak?...
03/06/2026

STOP OVERTHINKING, START OVER-PRAYING

Sino dito 'yung alas-dos na ng madaling araw pero gising na gising pa rin ang utak? 'Yung nakapikit naman ang mga mata mo, pero nagpapatakbo ka na ng buong teleserye sa loob ng isip mo?

Kapatid, welcome sa Overthinking Club. Pinapahirapan mo ang sarili mo sa mga senaryong hindi pa naman nangyayari at baka hindi naman mangyari kailanman. 'Yung utak mo, daig pa ang Hollywood director sa paggawa ng plot twists ng mga takot mo. Pero heto ang reality check: overthinking doesn't solve tomorrow's problems; it only steals today's peace.

Sabi sa 1 Peter 5:7, “Cast all your anxiety on him because he cares for you.”

Sa Tagalog, "Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo." Ang salitang "cast" ay nangangahulugang i-hagis o i-bato. Ibig sabihin, hindi mo lang basta ipapakita kay Lord ang bigat mo, ihahagis mo ito sa Kanya nang tuluyan. Bakit? Dahil may pakialam Siya sa'yo. Hindi mo trabahong hawakan ang mundo; trabaho 'yan ng Diyos. Kung kaya Niyang patakbuhin ang mundo nang wala ang tulong mo, kaya Niya ring ayusin ang bukas mo.

Tonight, bago ka matulog, dalahin mo lahat ng senaryo, takot, at tanong mo sa paanan ni Jesus. Sabihin mo, "Lord, hindi ko na po kaya itong isipin, Ikaw na po ang bahala." Unload the heavy baggage. Trust the One who holds your future.

📢 BILIN NI PASTOR:
"Kapatid, hindi ka ginawa ng Diyos para maging stress-drinker ng sarili mong mga takot. Ang utak mo ay nilikha para maging tahanan ng kapayapaan, hindi tambakan ng mga 'What ifs.' Kapag nagsimula nang mag-overthink ang utak mo, mag-over-pray ka naman. I-surrender mo sa Kanya ang mga bagay na hindi mo kontrolado, dahil ang bukas mo ay matagal nang plantsado ng Diyos!"

THE MORNING STRUGGLEKapatid, relate ka ba rito? Gabi pa lang, ang tindi ng midnight motivation mo. Sabi mo sa sarili mo,...
01/06/2026

THE MORNING STRUGGLE

Kapatid, relate ka ba rito? Gabi pa lang, ang tindi ng midnight motivation mo. Sabi mo sa sarili mo, "Bukas, gigising ako ng 5:00 AM. Mag-de-devotion ako, magdarasal, magpapakasipag, at babaguhin ko ang buhay ko!" Ramdam na ramdam mo pa ang apoy ng espiritu bago ka pumikit.

Pero pagtunog ng alarm ng 5:00 AM... biglang naglaho ang apoy. Ang sarap ng higa mo, ang bigat ng mata mo, at ang tanging naririnig mo na lang ay ang bulong na, "Limang minuto pa. Lord, alam mo naman ang puso ko, mamaya na lang." At ayun na nga—ang alab ng gabi, natunaw pagdating ng umaga.

Bakit ba nangyayari ito? Dahil ang motivation ay isang emosyon, at ang emosyon ay madaling mapagod at magbago. Sabi nga ni Jesus sa Matthew 26:41, “The spirit is willing, but the flesh is weak.” Tama ang intensyon ng espiritu mo bago matulog, pero paggising mo, ang laman mo na ang nagrereklamo.

Kung aasa ka lang sa kung ano ang "nararamdaman" mo paggising mo, hinding-hindi ka makakapag-devotion nang maaga. Ang kailangan mo ay hindi lang motivation kundi disiplina at pagsunod.

Ang pakikipagtagpo sa Diyos sa umaga ay hindi lang ginagawa kapag "ganado" ka; ginagawa ito dahil kailangan mo Siya para sa buong araw mo. Sabi sa Psalm 5:3, “In the morning, Lord, you hear my voice; in the morning I lay my requests before you and wait expectantly.” Huwag mong hayaan na talunin ng unan at kumot mo ang oras mo kasama ang Panginoon. Paggising mo, bumangon ka agad—bago pa makaisip ng dahilan ang utak mo!

📢 BILIN NI PASTOR:
"Kapatid, kung kaya nating bumangon nang maaga para sa trabaho, eskwela, o travel dahil takot tayong ma-late, bakit pagdating sa Lumikha sa atin, ang daling mag-5 mins pa. Your alarm clock is God's way of saying, 'Gising na, naghihintay Ako sa'yo.' Do not sacrifice your morning intimacy with God for a few more minutes of comfort. Your flesh will always demand rest, but your soul desperately needs Him."

WHERE ARE YOU HEADING?Kapatid, tanungin kita: Saan ka ba talaga papunta?Sa sobrang bilis natin sa buhay—sa pag-aaral, sa...
31/05/2026

WHERE ARE YOU HEADING?

Kapatid, tanungin kita: Saan ka ba talaga papunta?

Sa sobrang bilis natin sa buhay—sa pag-aaral, sa trabaho, sa pag-abot ng mga pangarap, at sa pag-scroll sa social media—madalas nakakalimutan nating tingnan ang direksyon na tinatahak natin. We are so focused on the speed of our life, but we forget to check our direction. Paano kung mabilis ka ngang tumatakbo, pero mali naman ang daan na tinatahak mo?

Sabi sa Proverbs 14:12, “There is a way that appears to be right, but in the end it leads to death.” Pwedeng sa tingin mo tama ang career path mo, pwedeng akala mo okay lang ang mga bisyo at sikretong kasalanan mo dahil "masaya" ka naman ngayon. Pero ang tanong ng Bibliya: Ano ang dulo niyan? An empty life? A broken family? A soul separated from God?

Don't just live for today; live for eternity. Kung naramdaman mo na parang paikot-ikot ka lang o nawawala ka na sa tamang landas, it’s time to stop and surrender the compass of your life to Jesus. Sabi Niya sa John 14:6, “I am the way and the truth and the life.” Si Jesus ang tamang direksyon. When He leads your life, you will never end up lost.

📢 BILIN NI PASTOR:
Kapatid, walang saysay ang bilis ng takbo mo kung maling destinasyon ang pupuntahan mo. Stop running on the wrong path. Re-align your goals, your relationships, and your heart with God's Word. Check your direction today before it's too late!

Kahit Di Mo Binoto, Ipagdasal Mo!Kapatid, aminin natin: mahirap ipagdasal ang taong hindi mo gusto, lalo na pagdating sa...
30/05/2026

Kahit Di Mo Binoto, Ipagdasal Mo!

Kapatid, aminin natin: mahirap ipagdasal ang taong hindi mo gusto, lalo na pagdating sa gobyerno. Pwedeng hindi mo ibinoto ang Presidente ngayon, pwedeng hindi mo gusto ang mga desisyon niya, at pwedeng dismayado ka sa pamamalakad niya. Pero alam mo ba? Ganiyan din ang marami sa atin. But here is the hard truth for us believers: the Bible explicitly commands us to pray for our President.

Hindi ko sinasabi na bawal mo na siyang punahin o bawal ka nang humingi ng accountability. Ang Bibliya ay hindi nag-uutos sa atin na magbulag-bulagan sa mali. Pwede mo pa ring sabihing mali ang isang polisiya. Pwede ka pa ring maging kritikal sa mga kapabayaan. Ngunit habang ginagawa natin ang ating tungkulin bilang mamamayan, kailangan nating sundin ang nakasulat sa Salita ng Diyos.

Sabi sa 1 Timothy 2:1-2, “I urge, then, first of all, that petitions, prayers, intercession and thanksgiving be made for all people—for kings and all those in authority, that we may live peaceful and quiet lives in all godliness and holiness.”

Tandaan natin, noong isinulat ito ni Apostle Paul, ang namumuno sa gobyerno noon ay ang Emperador ng Roma na nagpapahirap at pumapatay sa mga Kristiyano! Kung ang mga unang Kristiyano ay inutusang ipagdasal ang isang malupit na pinuno, wala tayong dahilan para hindi ipagdasal ang ating Presidente ngayon.

Kapag ipinagdarasal natin ang Presidente para sa karunungan at gabay ng Diyos, hindi natin ipinapanalangin na magtagumpay ang kanyang sariling ambisyon; ipinapanalangin natin na hawakan ng Lord ang kanyang puso para sa ikabubuti ng buong bansang Pilipinas. Ayon sa Proverbs 21:1, “In the Lord’s hand the king’s heart is a stream of water that he channels toward all who please him.” Ang kontrol ay nasa kamay pa rin ng Diyos, kaya doon tayo lumapit sa Kanya.

Dahil kapag nagdesisyon ang lider nang may karunungan mula sa Diyos, ang buong bansa—kasama ka at ang pamilya mo—ang makikinabang. Let’s elevate our standard: criticize the wrong policies based on truth, but intercede for our leaders.

📢 BILIN NI PASTOR:
"Kapatid, ang pananalangin para sa Presidente ay hindi usapin ng partidong politikal—ito ay usapin ng pagsunod sa Bibliya. Mas madaling mag-reklamo sa social media kaysa lumuhod at mag-intercede, pero ang reklamo ay walang binabagong puso; ang panalangin ay may kapangyarihang magpabago ng bansa dahil may Diyos na nakikinig. You can check his performance, but you must still pray for his person. Let's pray for wisdom for our President, for the benefit of our nation!

QUIT COMPARING, START ENJOYINGKapatid, aminin natin: nabubuhay tayo sa mundo na ang hilig magbulong na laging may kulang...
30/05/2026

QUIT COMPARING, START ENJOYING

Kapatid, aminin natin: nabubuhay tayo sa mundo na ang hilig magbulong na laging may kulang sa buhay mo. Sabi ng social media, "Kailangan mo ng mas bagong iPhone, mas estetik na gamit, mas malaking sahod, o mas bonggang bakasyon para masabing 'achieved' ang buhay mo."

Pero napansin mo ba? Kapag nabili o nakuha mo na yung akala mong magpapasaya sa'yo, sandali lang ang ligaya, tapos maghahanap ka na naman ng bago. It’s an endless cycle! Kung ang saya mo ay laging nakadepende sa susunod na "add to cart" o sa susunod na promotion, hinding-hindi ka magiging payapa.

Sabi ni Apostle Paul sa 1 Timothy 6:6, “But godliness with contentment is great gain.” Ang tunay na contentment ay hindi ibig sabihin na tamad ka na o ayaw mo nang umasenso. Ang ibig sabihin nito, alam mong sapat ka dahil sapat si Lord sa buhay mo. Hindi mo hinahanap sa materyal na bagay o sa "likes" ng tao ang kapayapaan na kay Hesus mo lang matatagpuan.

Huwag mong ubusin ang lakas mo sa paghahabol sa mga bagay na hindi mo naman madadala sa langit. Tumingin ka sa paligid mo ngayon at magpasalamat. Ang buhay at sitwasyon mo ngayon, baka yan ang pinapangarap at ipinagdarasal ng iba.

📢 BILIN NI PASTOR:
"Kapatid, ang contentment ay hindi nakukuha kapag nakuha mo na ang lahat ng gusto mo; nakukuha ito kapag narealize mo na si Lord ang pinakamahalagang mayroon ka. Stop comparing your life to the filtered posts of others. Ang blessing ni Lord ay hindi laging nakabalot sa pera—minsan, nasa anyo ito ng mahimbing na tulog, pamilyang buo, at pusong may kapayapaan. Rest in God’s provision!"

Address

Seoul

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bilin ni Pastor posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share