10/05/2025
HAPPY MOTHER'S DAY TO ALL WARRIORS!🤱🎊💕
Just sharing with you my journey bilang isang CS Mom
1. Buntis Moment
Nung una kong nalaman na buntis ako, mixed emotions talaga—excited pero may halong kaba. First baby ko 'to, kaya lahat bago sa akin. Every check-up, I made sure na healthy si baby. Inalagaan ko sarili ko, kumain ng tama, at sumunod sa advice ng OB.
2. Araw ng Panganganak
Pagdating ng due date ko, nagsimula na akong makaramdam ng labor pains. Akala ko normal delivery na 'to, kasi okay naman lahat. Pero after ilang oras sa labor room, sinabi ng doctor na kailangan ko magpa-CS—hindi bumababa si baby at pero regular naman ang heartbeat niya. Medyo natakot ako, pero ang iniisip ko lang ay safety namin.
3. Cesarean Operation
Dinala ako sa operating room. Nakahiga ako, kinakabahan pero pinipilit maging kalmado. Tinurukan na ako ng epidural. Naramdaman ko yung anesthesia, kaya wala na akong naramdaman sa lower body ko. Then narinig ko na yung iyak ni baby—grabe, iyak din ako. Sobrang saya ko na ligtas siyang lumabas.
4. Recovery sa Hospital
After ng operation, dinala ako sa recovery room. Super sakit sa simula, lalo na pag gumagalaw ako. Pero tiniis ko. May mga nurse na tumutulong, pati si Mister ko, hindi ako pinabayaan. Siya nag-aalaga kay baby habang nagpapahinga pa ako.
5. Pag-uwi sa Bahay
Pagkauwi, sobrang hirap pa rin gumalaw. Kahit simple lang na pagbangon, effort talaga. Pero kailangan—kasi kailangan ako ni baby. May times na umiiyak siya sa gabi at kailangan kong bumangon kahit masakit. Mahirap pa kasi andito ako sa abroad kaya me and my husband lang talaga.
6. Unang Buwan ng Pagpapagaling
Medyo unti-unti na akong nakakagalaw nang mas maayos. Hindi pa rin mabilis, pero at least hindi na katulad nung una. Lagi akong may gamot sa tabi ko at sinisigurado kong malinis ang sugat para iwas infection.
7. Emosyonal na Laban
To be honest, may mga moments na parang ang bigat sa loob—parang kinuwestyon ko sarili ko kung bakit hindi ko nagawa ang normal delivery. Pero narealize ko, hindi sukatan ng pagiging ina ang paraan ng panganganak. Importante, healthy si baby at ligtas kaming dalawa.
8. New Chapter as a Mom
Ngayon, ilang buwan na ang lumipas. Nag-heal na ang sugat ko, pero ang puso ko—punong-puno ng pagmamahal. Ang peklat ko ay badge of honor. Hindi ako mahina dahil nagpa-CS ako. In fact, I feel stronger than ever.
Kaya to all Momshies d'yan, you are so brave! Tap your back and say "I AM PROUD OF YOU!"
Love;
Mama Rhea