Talisay Batangas News Magazine

Talisay Batangas News Magazine BAYAN KO,SAGOT KO!

14/07/2025

Hi everyone! ๐ŸŒŸ You can support me by sending Stars - they help me earn money to keep making content you love.

Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars!

14/07/2025

NEGATIVE ANG RESULTA NG MGA DIVERS NG PCG SA TAAL; MGA MAKINANG PANGHANAP, DARATING NA

TAAL LAKE, BATANGAS โ€“ Walang positibong resulta ang isinagawa ngayong araw, Lunes, Hulyo 14, 2025, ng mga technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng nagpapatuloy na search and retrieval operations sa Taal Lake para sa mga nawawalang sabungero o lost sabungeros.

Ayon kay Tuvilla ng Philippine Coast Guard, ngayong araw ay inaasahang darating ang mga makabagong kagamitan tulad ng submersible drones o underwater machines na magpapabilis at tutulong sa mas malalim at mas malawak na pagsisid sa lawa.

Samantala, ayon kay General Torre ng Philippine National Police (PNP), patuloy nilang i-va-validate o beripikahin ang mga naging pahayag ni Julie Patidongan alyas โ€œTotoyโ€, kaugnay sa diumanoโ€™y impormasyon nito sa kaso ng mga nawawalang sabungeros.

Dagdag pa ni General Torre, halo-halo o mixed ang mga buto na narekober sa ilalim ng lawa sa mga naunang araw ng retrieval operations. Kinakailangan pa ng masusing pagsusuri upang matukoy kung ito ay bahagi ng human remains o iba pa.

๐Ÿ“ท Photo credit
Source: PCG, PNP Reports

PCG Divers, Binasbasan sa Misa Bago ang Diving Operations sa Taal LakeBATANGAS โ€“ July 13, 2025Bago sinimulan ang panibag...
13/07/2025

PCG Divers, Binasbasan sa Misa Bago ang Diving Operations sa Taal Lake

BATANGAS โ€“ July 13, 2025

Bago sinimulan ang panibagong yugto ng underwater search and retrieval operations sa Taal Lake ngayong araw, isinagawa muna ang isang banal na misa para sa mga technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG).

Layunin ng misa na ihanda hindi lamang ang pisikal at mental na kondisyon ng mga diver, kundi pati na rin ang kanilang espirituwal na katatagan habang isinasagawa ang maselang operasyon sa ilalim ng lawa.

Ang seremonyang ispiritwal ay isinagawa ngayong Linggo ng umaga bilang bahagi ng patuloy na paghahanap sa mga nawawalang indibidwal na posibleng biktima ng mga hinihinalang krimen na may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon sa PCG, mahalagang mabigyan ng moral at espirituwal na suporta ang kanilang mga tauhan, lalo naโ€™t malalim at mapanganib ang kanilang ginagampanang tungkulin.

๐Ÿ“ธ ASN AD Marqueses PCG/PIO STL

#

13/07/2025

Dalawang Sako ng Hinihinalang Buto ng Nawawalang Sabungeros, Naretrieve sa Ilalim ng Lawa ng Taal

๐Ÿ“ Laurel, Batangas | July 12, 2025
๐Ÿ“ Talisay Batangas News Magazine

Narito ang video footage ng isinasagawang retrieval operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ilalim ng Lawa ng Taal, partikular sa bahagi ng Laurel, Batangas, kung saan narekober ang dalawang sako na hinihinalang naglalaman ng buto ng mga nawawalang sabungeros.

Ang retrieval na ito ay isinagawa kahapon, Hulyo 12, 2025, bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa kaso ng 34 na nawawalang sabungeros. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, umabot na sa kabuuang limang sako ang kanilang narecover mula nang simulan ang underwater operations.

Bagamaโ€™t patuloy pang inaalam ang laman at pinagmulan ng mga naturang sako, umaasa ang mga pamilya ng mga biktima na magbubunga ito ng linaw at hustisya sa matagal nang paghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay.

Patuloy ang koordinasyon ng Philippine Coast Guard, local government units, at mga forensic experts upang masuri ang mga ebidensyang narekober mula sa lawa.

๐Ÿ“Œ Para sa mga karagdagang updates ukol sa kaso ng mga nawawalang sabungeros, i-like at i-share lamang ang aming page: Talisay Batangas News Magazine.
Maraming salamat po sa inyong tiwala.

๐Ÿ“ธ: Philippine Coast Guard

12/07/2025

Isa pang sako ang narekober sa Taal Lake sa Laurel, Batangas bandang 2:46pm, ayon sa kay Commo Geronimo Tuvilla, command...
12/07/2025

Isa pang sako ang narekober sa Taal Lake sa Laurel, Batangas bandang 2:46pm, ayon sa kay Commo Geronimo Tuvilla, commander ng PCG Southern Tagalog.

Dahil dito, mula Huwebes ay 5 na ang narekober na sako na hinihinalang naglalaman ng buto ng mga nawawalang sabungero.

BALITANG MISSING SABUNGEROS โ€“ TAAL LAKE, BATANGASHulyo 11, 2025 | Biyernes ng haponNakakita ng dalawang kahina-hinalang ...
11/07/2025

BALITANG MISSING SABUNGEROS โ€“ TAAL LAKE, BATANGAS
Hulyo 11, 2025 | Biyernes ng hapon

Nakakita ng dalawang kahina-hinalang sako ang mga technical diver mula sa Philippine Coast Guard (PCG) sa Taal Lake, Batangas sa ikalawang araw ng search and retrieval operations para sa 34 na nawawalang sabungero.

Natagpuan ang mga sako nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 11, sa kasagsagan ng operasyon. Ayon sa isang mataas na opisyal ng PCG, mariing itinanggi nito na "itinanim" o peke ang mga nasabing sako.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon at retrieval operations upang matukoy ang mga laman ng sako at kaugnayan nito sa pagkawala ng mga sabungero.

๐Ÿ“ธ: Philippine Coast Guard (PCG)

11/07/2025

UPDATE:May dalawang sako na kumpirmadong nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ilalim ng Taal Lake ngayong araw, July 11.

Paglilinaw ng PCG, ang unang ulat na may apat na nakitang sako ay dahil sa unang beses ng kanilang pag-dive ay hindi pa nila masyadong nalapitan ang mga sako.

Sa pag-retrieve na raw nila nakumpirma kung ilan talaga ang bilang nito.

Hawak na ngayon ng SOCO ang mga nakuhang sako at isasailalim na ito sa forensic investigation.

11/07/2025

UPDATE:Dalawang sako na pinaniniwalaang naglalaman ng mga buto ng tao, nakuha ng Philippine Coast Guard divers sa kanilang pangalawang dive operation sa Taal Lake ngayong hapon, July 11, 2025.

Address

Talisay

Telephone

+96565660025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talisay Batangas News Magazine posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Talisay Batangas News Magazine:

Share